Chapter 17

56.3K 769 32
                                    

Ang kapal ng mukha nyang paratangan ako ng SLUT? Matapos nya akong paghintayin ng matagal! Nag early out ako kasi umaasa ako na idedate nya ako! Tapos ano? Tinubuan na ng ugat at mga damo ang paa ko. Nilanggam na ako sa kinatatayuan ko pero walang nagpakitang Athos sa akin. Nagmagandang loob lang naman si Art na ihatid ako sa bahay ah. And its just a frienly Kiss! Hindi pa ba sapat na sya ang nakauna saken?! Hindi pa ba sapat na nagpabuntis ako sa kanya?!

I was crying out loud! For pete sake! Kanina pa ako umaatungal na parang bata dito sa kwarto ko. And so kung umiiyak ako ng malakas. Di ba sabi ko nga, sound proof tong kwarto ko and no one will hear me cry. Bakit ako nasasaktan! Bakit?!

"Nak." Hindi ko ba nailock ang pintuan? Bakit---

Oh! nakita ko si Mudra hawak ang spare key ng kwarto ko. Itinaas nya ang kaliwang kamay nya. Ibinalik ko naman sa pagkasubsob sa unan ang mukha ko.

"Boom bukas!" Biglang hirit nya. The fudge mom! San naman nya nakuha ang mga expression na yun? ganito ba ang epekto ng maghapong pag ffacebook at panunuod ng TV? Nagiging jeje na ang nanay ko.

"Anak..."Lumapit sya sa kama ko and I heard a sag on my bed.

"Anak, alam kong madamdamin ang mga buntis ngayon pero intindihin mo din naman si Athos. Malay mo naman nagselos lang talaga yung tao."

"NAGSELOS? napakababaw naman nun para sabihan nya akong SLUT! nay sakit nun eh! Di naman ako pokpok!"

"Boom Galit!"

"Nay anu ba?! tantanan nyu nga ako ng ka boboom nyung yan! Nakita nyu ng nag eemote ako dito eh."

"Boom Arte!" I glared at her.

"Isa..."

"Boom Tigil! ha ha. Anak naman. I just want to enlighten your mood." Taray ni mudra ENGLISH yun ah!

"Kasi anak, subukan nyung mag usap ng maayos. Hindi yung ganyan. Palagi na lang ba kayong mag aaway. Panu na yung baby? panu na ang apo ko."

Hindi ako umimik. Kakampihan na naman nya si Athos. Palagi na lang nyang kinakampihan ang isang yun. na para bang kilalang kilala na nya si Athos.

I heard her sigh.

"Nasa sa iyo na yan kung kakausapin mo si Athos. kung papatawadin mo sya. Kung lalawakan mo ang pag iisip mo o magiging makitid ang utak at habambuhay kang magsisisi..." Tumayo sya. Pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto ko. Naka dapa lang ako sa kama ko at naka subsob ang ulo sa unan.

"Nak. You deserve to be happy. At kung si Athos ang magbibigay sayo nun, Then Go. wag kang matakot magmahal at masaktan. Dahil hindi mo malalamang nagmahal ka kung di ka nasasaktan." Then she left.

Napaangat ang mukha ko sa kama. Bakit nga ba ako umiiyak. At bakit ko ba dadamdamin an sinabi nya. Its just a word. A word na dahil galing sa kanya nasaktan ako. Urgh!

I dialled a number.

*ring ring ring ring ri--

(yes hello! how may I help you?)

"Arte mo Catharina ah! Nasaan ka?"

(Faye naman, nasa bakasyon ako with my boo, we're making babies. Bakit ba?)

"Making babies!*sniff* may problema ako."

(umiiyak ka ba? huy bawala ang umiyak sa buntis no!)

"Kasi namannnn! waahhh hu hu

hu hu." Eto na naman ang luha kong di mapatigil.

(Anu ba! nakakarindi yung boses mo bakla ka! Tanggal ang eardrums ko sayo eh. lampas dun sa kabila.)

BABY under CONSTRUCTION [editing on going]Where stories live. Discover now