CHAPTER 14

1.5M 45K 72.8K
                                    

NANG MAKAUWI sa unit ay isa-isa kong hinubad ang mga suot ko at basta na lang iniwan ang mga iyon kung saan. Dumeretso ako sa bath tub at binuksan ang hot and cold water. Binuksan ko ang bottle ng bubble soap at basta nalang ibinuhos iyon sa tub saka lumusong. Napapikit ako nang mangibabaw ang amoy ng lavander saka ko komportableng inihiga ang sarili ko.

Pakiramdam ko ay tuluyang humupa ang tama ng alak sa akin. Normal akong nakapag-iisip at batid kong nangingibabaw ang inis ko. Nagagalit ako kay Maxwell dahil sadyang napakamanhid niya. Para sa akin ay siya ang pinakamatalinong tao na nakilala ko. Pero bakit pagdating sa nararamdaman ko sa kaniya, masyado siyang estupido?

Nagmulat ako at lumingon sa gawi ng pinto. Isa pa akong tanga sa pag-aasam na susunod siya sa akin, kahit sobrang imposible niyon. Dahil sa personalidad ni Maxwell, kapag sinabi kong umalis siya ay talagang gagawin niya iyon.

Gusto kong isiping kaya hindi niya ako sinundan ay dahil hindi niya ugaling maging sunud-sunuran. Gusto ko ring isipin na kaya hindi niya ako sinundan ay dahil masyado siyang masunurin. Pero alam kong imposible iyon. Dahil ang totoo ay wala lang talaga siyang pakialam sa akin kaya hindi niya gagawin iyon.

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Kaytagal kong iniyakan ang kaiisip kung ano ba ang mali o kulang sa akin? Kinuwestiyon ko ang sarili kong hitsura, pananamit, ugali at kung ano-ano pa. Hinanap ko sa sarili ang mga posibleng hindi niya nagugustuhan sa akin. Ngunit sa huli, nahuhulog ako sa paulit-ulit na pag-asa na hindi niya gagawin ang lahat ng mga bagay na nakapagsasabi sa aking gusto niya rin ako, kung wala lang iyon. Estupida ngang talaga.

Maaga akong pumasok kinabukasan sa kabila ng maikling tulog. Mas maaga kesa nakasanayan ko dahil ayaw kong magpahatid kay Maxrill. In-assume ko nang susunduin na naman niya ako. At para hindi na rin mag-abala pang pumunta si Maxrill ay nag-send ako ng text sa kaniya at nagdahilan na lang.

Nagulat si Susy nang madatnan akong maaga at marami nang naihandang trabaho. Nakangiti niya akong kinakausap, hindi naman maipinta ang mukha ko t'wing sumasagot. Just like the other day, I'm not in the mood. Unfortunately, my job doesn't care about my mood, so, I have to function.

Nang mag-break time ay nagmamadali akong bumili ng lunch at doon sa pantry kumain. Nagpaalam naman akong uuwi nang maaga nang matapos ang trabaho. Hindi ko nga nakita maghapon si Maxwell pero hindi siya nawala man lang sa isip ko.

Wala akong ganang kumain nang gabing iyon. Nagmukmok ako ulit sa bath tub at halos makatulugan ang pag-iyak ko. Kung hindi ko pinilit na umahon ay baka sa bathroom na ako gumising at dumeretso na lang papasok.

Ganoon ulit ang ginawa ko kinabukasan, nang sumunod pang araw, nang sumunod na sumunod pang araw, hanggang sa buong linggo. Sabi ko sa sarili ko, kaya kong gawin iyon kahit matapos ang buwang ito.

Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil natiis kong hindi makita si Maxwell. Gusto kong purihin ang sarili ko dahil nagawa kong iwasan si Maxwell. Gusto kong malaman niya na kaya kong hindi siya makita. Gusto kong ipagmalaki na hindi ko siya kawalan at hindi ko siya kailangan. Gusto kong maintindihan niya na siya ang may kasalanan.

Ngunit hindi ganoon ang nangyari. Dahil nagagawa ko lang isipin ang lahat nang iyon sa t'wing galit ang nangingibabaw sa dibdib ko. Kapag naroon na ako at nagbababad sa bath tub gabi-gabi, naiisip ko na ang totoo.

Natiis kong hindi makita si Maxwell dahil hindi rin siya nagpapakita. Nagawa kong iwasan si Maxwell dahil hindi naman siya lumalapit sa akin. Kinaya kong hindi siya makita dahil wala rin siyang dahilan para makipagkita. Maipagmamalaki kong hindi ko siya kawalan at hindi ko siya kailangan dahil gano'n lang din ang kaniyang nararamdaman. At maintindihan man niyang siya ang may kasalanan, wala naman siyang pakialam.

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now