TEASER

407 11 1
                                    

NAUWI sa malagim na aksidente ang paghingi sana ng tawad ni Brianna kay Brad. Aksidenteng kumitil sa buhay ng kapatid ng binata at sanhi ng pagkalumpo ng ama nito. Ngunit ito rin ang nagbigay-daan para mapasakaniya ito. Sinamantala niya ang pagkakataon para mailayo si Brad at palabasin ritong mag-asawa sila.

'Kahit konting panahon lang', iyon ang hiling niya sa Itaas. Dahil batid niyang hindi magtatagal ay babalik din ang alaala ng binata at iiwan siya para pakasalan ang naiwang fiancee. At ang pinakamasakit ay ang tuluyan nang pagkamuhi nito sa kaniya.

Kung kaya lang sanang bayaran ng pag-ibig ang mabigat na kasalanan. Ngunit hindi lahat ay maaaring mapasakanya. Isa na si Brayden, ang pag-ibig nito — hindi niya puwedeng makamtan.

PLEASE BE MINEWhere stories live. Discover now