Dream Realm

18 0 0
                                    

Nandito ako sa isang mundong ako ang naghahari. Isang lugar kung saan natatangi ang kasiyahan. Kumbaga, parang ako ang naghugis ng mga perpektong imahe-- walang kapintasan, walang karumihan. Iginuhit ko ang mga kapalarang ninanais ko makamit, ngunit sa kabila ng kapangyarihang ito ay labis din ang kapalit.

Malaki ang pagsisisi ko-- sana di ako nagpakabulag.. Sana nabuhay na lamang ako sa reyalidad at tinigil ang aking kahibangan.

Nang sa gayon, hindi ko na sana naranasan ang pait at sakit ng pagiging makasarili ko. Nilamon ako ng sarili kong kagustuhan na maging masaya. Hindi ko na sana pinagpalit ang mga mahahalagang pangyayari dahil kahit anong gawin ko-- hinding hindi ko na ito kayang ibalik.

--

"Anak, kailan mo ba kasi aasikasuhin itong negosyo natin? Nalulugi na tayo simula nung sumama sa iba daddy mo." Tanong sakin ni Mommy. Ilang taon na rin yung lumipas simula nung iwanan kami ni Daddy para sa iba niyang pamilya.

Matagal nang nangyari, pero hindi ko pa rin makalimutan yung sakit na dinanas ni Mommy nung mga panahong 'yon. Muntik na rin ako mawala sa landas lalo na't graduating ako noon. Halos itakwil ko rin pangalan ko dahil sinunod sakin yung pangalan ni Daddy.

Ayos naman na ako ngayon, kaso parang nabubuhay na lang ako kasi kailangan-- hindi dahil sa gusto ko.

"Ako na bahala mommy. Wag ka na mag-alala." Nasa edad na rin si Mommy. Kung maari, gusto ko na lang siya pagpahingain sa bahay kaso marami din akong inaasikaso. Binibisita ko na lang si Mommy dito kasama ng mga tita ko, kasi meron na rin ako sariling tinutuluyan.

"Una na ko." Paalam ko. Sumakay na ako sa sasakyan at pumunta sa business namin. Kailangan ko asikasuhin nang mabawasan yung mga inaalala ni Mommy.

Tulad ng dati, sobrang dami kong ginagawa at inaasikaso para lang mapatakbo itong negosyo. Nakakapagod, pero kailangan.

Pagkatapos ng trabaho, sinigurado ko munang wala akong naiwan. Uuwi na ako para magpahinga.

Saktong pagdating ko, sinalubong ako ng matamis na ngiti ng aking fiancee na si Aera.

"Mahal! May ibibigay ako sayo! Akin na kamay mo! Pikit ka muna ah." Kinuha naman niya kamay ko at nararamdaman kong may kinakabit siya.

"Ayan! Dilat ka na!" Pagdilat ko nakita ko ang isang pulang relo na nakaukit yung initials naming dalawa. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.

"Ang ganda." Komento ko sa regalo niya. "Mas maganda nga lang mahal ko." Hinalikan ko siya sa labi. "Thank you, mahal." Ngumiti lang siya ng sobrang tamis.

"Mahal, gusto mo ipagluto kita?" Pag-aalok niya.

"Wag na. Matutulog na ko, pagod ako." Sabi ko sakanya. Nakita ko namang nagbago ekspresyon ng mukha niya pero di ko nalang pinansin. Dumiretso ako sa kwarto namin at ipinikit ko na mga mata ko.

--

"Jorell, anak! Halika na dito, sabayan mo kami ng mommy mo dito kumain." Huh? Si Daddy? Paano? Labis ang pagtataka ko sa mga pangyayari ngayon. Lalapit na sana ako kaso pabigat ng pabigat mga hakbang ko.

"Sigurado ka bang gusto mo sumama sa kanila?" May boses akong narinig. Nalilito ako. Ano yon? Napatigil muna ako sa paglalakad. Tila naglaho lahat ng nasa paligid ko at napunta ako kwartong kulay puti lamang.

"May mga bagay tayong gusto mangyari pero di natin namamalayan,"

"May mga gusto tayong takasan pero mahirap gawin."

"Marami tayong nais, nakakalungkot lamang na hindi natin hawak ang mundo." Sabay nagbago ang kapaligiran. Napunta ako sa isang silid at may nagpakita na isang elemento na nababalot sa puti.

Dream RealmWhere stories live. Discover now