Chapter 1

50 3 0
                                    

Barcelona, 2019






"Felicidades dzaiiii! OMG! After what 6 years? after 6 years mo ng pag titiis nakatapos ka din! Literal yung pagsusunog mo ng kilay!" Leila attended my graduation ceremony here in Universitat de Barcelona. I took up Civil Engineering. It's been a long journey but now I can finally say it's over. I made it and I'm proud of myself!

"May kaibigan na akong Engineer! woohoo! so what's your plan today?" Nakangising tanong ni Leila. I knew that look whenever she's planning something mischievous.

"Alam ko yang mga tingin mong yan Lei, the last time we did that, nawala ang virginity ko."

She cracked her loudest laughter na nakaagaw atensyon sa mga taong nakakasalubong namen. Kabababa lamang namen ng Sagrada Familia Metro Station at kasalukuyang nag lalakad sa may harap ng Sagrada Familia. I will never get tired of seeing this wonderful structure. Kailan kaya nila ito matatapos?

"Ang sabihin mo, thanks to me, nakatikim ka ng luto ng diyos! biruin mo, kung hindi tayo lumabas nun baka ngayon nag ttyaga ka pa din dyan sa mga porn site mo"

I immediately slapped her wrist . "Ikaw babae ka, hindi ka na nahiya, nasa harap tayo ng simbahan uy!"

Tumingala sya and heaved a sigh. "Lord, kasalanan bang magsarili?! hindi ka naman madre, tao ka, and you're allowed to make mistakes. As if naman nakapatay ka ng tao."

"Ewan ko sayo Lei, Bakit ba hanggang ngayon ay kaibigan pa din kita?" I rolled my eyes.

She beam a smile showing her teeth with braces. Nag maarte sya, nag pa braces sya last year kasi senyales daw yun ng pag angat sa buhay. And iisipin ng mga tao na mayaman na sya dito sa Barcelona. "kasi po, ako lang nakakatiis sa topak mo, and if I know, I'm all you have."

Napahinto ako sa paglalakad. Tama si Lei, She's all I have. "Oh, ano di ka makasagot, because I'm right! at isa pa, we're twinsis di ba?" Kumindat pa sya saken sabay hila ng kamay ko. "Alam mo tara na, ang arte arte neto, for sure nagustuhan mo naman yung first experience mo, ilang araw kang di makalakad sa sobrang laki ata ng pumasok sayo. hahaha"

Hinampas ko ulit sya ng malakas sa balikat nya. "Lei isa pa!"

"Aray ha, nakakarami ka na! at least pogi yung nakauna sayo diba! yun nga lang, iniwan ka na lang at naglahong parang bula. But anyway, move on, hindi lang sya ang lalaki sa mundo, and accept the fact na maganda ka at madami ka pang matitikmang iba."

Hindi ko napigilang hampasin ulit sya sa braso at saka sya inirapan. "Alam mo ikaw feeling ko, nag eenjoy kang nananakit ng ibang tao, masokista ka ba?"

"Ikaw kasi kung ano ano ang sinasabi mo. Kumain na lang tayo sa jollibee, my treat!"

"Sus, eh Monday ngayon, for sure ang daming pinoy na kumakain dun ngayon, mga sabik sa chicken at spaghetti ng jollibee, dun na lang tayo sa Tavern, simula nung gabing yun, di ka na sumama saken bumalik dun. Babalik ka na ng Pilipinas, hindi na kita makakasama sa gimikan dun." She pouted. Para syang bata.

"Lei, you know naman what happened to me diba?"

"Yes, you lost your virginity to a stranger and it's all my fault, kung hindi kita iniwan sa dance floor edi sana---"

"Let's forget it Lei, ayoko ng baikan yun. It's part of my recklessness. Anyway, dun na lang tayo sa Sao Paolo Restaurant, bagong bukas lang sya and they serve the best paella, tsaka kilala ko ang manager dun."

Lei rolled her eyes heavenwards, "Ang KJ mo talaga!"

Bumalik na kami ni Leila sa kwarto namen at ako nag diretso naman sa kama ko. I let myself drown in my soft and comfy bed. Halos na empake ko na din ang mga gamit ko cause tomorrow is my flight going back to Manila. Natapos ko na ipagawa ang condo na binabayadan ko. Yun ang nag silbing investment ko habang nandito ako sa barcelona. Part of it ay nakuha ko sa iniwan saken ni Mama. Plano ko ding magtayo muna ng spanish restaurant cum bar sa maynila. Puhunan ko ang pag wawaitress sa restaurant at naging malaking bagay ito para makatapos ako ng pag aaral. Biglaan din ang pag uwi ko ng pilipinas because my dad died. And our family lawyer found me in Barcelona.

Somebody to LoveWhere stories live. Discover now