Chapter#1(Shorter page)

15 0 0
                                    

Present: July 04 1990

"Gago ka! Ang lakas ng loob mo ah? Hindi mo ba nakikilala kung sino ang inaangas-angasan mo?"


"Bakit? Sino ka ba? Presidente ng pilipinas? Diyos ka ba ha? Diyos ka ba at dapat kilala kita? Ulol ka"


"Aba? Boss matapang ang isang 'to?"



"Kung nakikilala ako ng tangang 'to baka magtago ka sa saya ng ina mo!"


"Kilala man kita oh hindi wala akong pakialam,basta kapag ginulo nyo ako hindi ako magdadalawang isip na patulan kayo!"




Kasabay ng malalakas na sigawan ay ang pag-alingawngaw ng mga nababasag na bote ng alak at pagtilapon ng mga gamit sa kung saan-saan,dumami ang mga kalalakihang nakiusyoso sa limang lalaking pagtutulungang bugbugin ang isa pang ginoo sa naturang bar.dahil puro lasing na ay naging agresibo na ang mga tao sa loob at natutuwa pang makikita ang away na magaganap




Naantala ang pagtulog ng isang binata ng may tumama na kung anong bagay sa paanan nya,inangat nito ang itim na sumbrero para matignan kung ano ang tumama sa paanan nito.isang in-can na cola na gumugulong na palayo sa silya kung saan nya ipinatong ang dalawang binti,nakaramdam sya ng inis hindi lamang dahil sa isiping hindi na sya tuluyang makakatulog kundi dahil narin sa nabasa ng bahagya ang bota nya ng malamig na inumin



Tuluyan na nyang inayos ang suot na sumbrero saka nilingon ang lahat ng kalalakihan dito sa loob ng bar kung nasaan sya ngayon,napakaingay ng mga ito at parang nanonood ng isang boxing match na sa sobrang excited at ligalig ay nagbabato na ito ng mga kung anu-anong bagay,doon lang din nya napansin ang ilang basag na shotglass sa paligid nya




"Bwisit!"  Naisip nito,paano nga naman nya itatapak ang bota nya kung maraming bubog ang nagkalat sa kung saan,nakakagawa na talaga ng eskandalo ang mga kalalakihan na marahil ay may tama na ng alak.isip sya ng isip kung paano patitigilin ang pag-iingay ng mga kalalakihan ng mahagip ng paningin nya ang isang display sa bar counter,isa iyong bote na may barko sa loob,kumuha sya ng tatlong libo sa suot na itim na long coat saka nilapag sa ilalim ng shotglass,tama ng pambayad sa napakagandang display




Hindi na sya bumwelo at biglaang binato ang display,bahala na kung sino ang tamaan matigil lang ang mga ingay,puyat na puyat sya at ilang araw ng walang matinong tulog dahil sa trabaho nya.noong isang gabi nga lang ay may napatay syang bampira,medyo may kalakasan ang nakasagupa nya kaya inabot sila ng madaling araw--ang siste inis na inis tuloy sya dahil antok na antok sya pero ayaw naman makisama ng konsensya nya,tuloy ay alak ang naisipan nyang solusyon para makatulog ng tuluyan pero ngayon nga ay hindi na mangyayari ang masarap sana nyang tulog dahil sa maiingay na taong ito



Isa pang bwisit dahil naubos na ang bala ng pistol nya,kaylangan na naman nyang bumili ng ammos



"POTA! SINONG BUMATO NON?!"



Itinaas nya ang isang braso na parang nagre-recite sa klase kaya lahat na ng atensyon ng tao roon ay nasakanya na, ang ilang kalalakihan ay maangas syang nilapitan pagdaka'y kinuwelyuhan



"Ikaw ba ang bumato non totoy?" Pumikit sumandali ang binata ng maamoy ang mabaho nitong hininga,ng idilat nya ang mga mata ay pabuntong hininga syang tumango,tinanggal nya ang mga kamay ng lalaki sa colar ng coat nya saka iyon pinagpagan




"Aba! Isa pang mayabang,mukang gusto ring mabangasan nito bossing ano?"



Nakita nya kung paano sya suyurin ng tingin mula ulo hanggang paa ng kaharap,maya-maya ay ngumisi ito sakanya "Mukang bagong salta ka? Ngayon ko lang nakita 'yang pagmumuka mo rito,taga-saan ka?"




"Bakit ko sasabihin? Syota ba kita para sagutin kita?" Pabalang at nagmamalaking sagot nya kaya nagalit ito sakanya at akma na syang bibigyan ng suntok sa muka ng maunahan nya ito.nanlaki ang mata ng lahat ng naroon ng makita kung paanong mabilis na matutukan ng binata ang kaharap ng pistol sa gilid ng noo




Narinig nila ang tunog ng cylinder,may kalakihan ang pistol ng ginoo dahil iyon ang sandata nyang kasa-kasama kapag pumapatay ng bampira,idinikit pa nyang lalo ang bibig ng pistol sa ulo ng kaharap "May isang bala nalang ang nandito sa pistol ko,kung hindi ko magugustuhan ang gagawin mo--hindi ka na makakalabas ng buhay dito!"



"A-ano--




"Sana naman isipin nyong hindi lang kayo ang nandito? Meron ding mga taong gustong magpahinga pero dahil sa gulo nyo? Hindi na nila makakamit ang pahingang gusto nila?"




"Eh bakit kasi dito mo naisipang magpahinga? Siraulo ka ba?!" Sigaw ng isang nakikiusyosong lalaki dahilan para mabaling sakanya ang paningin ng ginoo,nangingiti syang tumangu-tango rito




"Tama ka mister!" Aniya saka walang pagdadalawang-isip na itutok dito ang hawak na pistol  "Niloko ko lang kayo kanina ng sabihin kong isang bala nalang ang nandito sa pistol ko,sa totoo lang apat pa ang nandito.tamang-tama para sa apat na tao,pero para kasi sakin,mahalaga ang bawat bala ko,hindi dapat mabalewala ang pagpapakawala ko sakanila!"




Nagsiatrasan ang mga kalalakihan at lumaki ang mga mata ng makitang itutok nito ang pistol sa gasoline tank na nasa bandang likod ng bar,iiling-iling,slow-motion na kinalabit muli ang hammer dahilan para pumihit na naman ang cylinder ng kanyang ruger  "Alam nyo naman siguro ang pakiramdam kapag ilang araw kayong kulang sa tulog diba?"




"W-wag sir--baka makalabit nyo 'yan at sumabog tayo rito,maghunos-dili ka sir?!" Pakiusap ng bartender na mukang natakot sa banta nito




Mas nagkagulo ang lahat ng barilin nito ang lightbulb na nasa itaas dahilan para dumilim,wala halos makita ang lahat at nagsiksikan dahil hindi nila alam ang sunod na gagawin ng wala sa sariling ginoo,binuksan ng bartender ang maliit na ilaw sa bar counter dahilan para makita nila kung gaano sila kaduwag na nagsiksikang lahat sa isang tabi




"Kaya sa susunod,bago kayo mag-ingay tignan nyo muna kung wala kayong naiistorbo!" Narinig nila ang boses ng binata,napatanga dahil nakakita sila ng dalawang pares na dilaw na mata sa isang madilim na sulok kasabay ng ingay ng pagbukas-sara ng pintuan,nagpakiramdaman ang mga kalalakihan sa loob ng bar,bukod yata sa tunog ng aircon ay mga tibok ng puso ang malakas na hindi na malaman kung kanino ba sakanila iyon




Agad tumakbo ang bartender sa switch ng ilaw,nagtaka sila dahil wala na roon ang lalaki ngunit ang nakapukaw ng pansin ng lahat ay ang maliit na sticky note sa mesa kung saan kanina nakapwesto ang ginoo,tumakbo silang lahat palapit para basahin iyon--ang kakaiba rin ay may nakita silang parang maliliit na kulay itim na balahibo ng kung anong hayop


Hanggang sa susunod ;)
                            KM


Nabitawan ng lalaki ang sulat,gulat na gulat na nagkatinginan ang lahat sa isa't-isa


"I-ibig sabihin sya ang vampire hunter? Si Kihyomasa?"



Lumipad ang ilang flyers sa bawat distrito ng kalsada na pinagdikitan ng flyers ng kilalang vampire hunter na si kihyomasa.kinatatakutan at kinaiilagan ng ilan at syang kinaiinisan ng mga bampira

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Codename: Kihyomasa [ Vampire Assassin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon