Chapter 7

3.3K 162 7
                                    

One thing that I am most grateful of today is his students or the whole class. They are so focused that I almost forgot I am with a lot of people.

Lahat ngayon sila ay gumagawa ng activity, medyo may mga pintura na nga sa sahig...itinuon ko lang ang pansin ko sa pagpapalit palit ng mga tingin sa kanya-kanya nilang gawa. Good thing that I sit here at the back kaya naman hindi ko na kailangan tumayo para makita ang gawa ng iilan.

"What made you sit-in?" A baritone voice caught my attention.

Napaangat ako ng tingin mula sa panonood at sinalubong ang tingin niya na agad ko ring iniwasan. His gray eyes will always be one of the most beautiful scene I get to see in this country.

Umiling ako. "Na..curious...lang," sagot ko atsaka ngumiti.

He raised his one eyebrow at me, hindi niya na ako inimik. Nagpatuloy na lamang siya sa pagmasid sa mga estudyante niya at paminsan-minsan ay may sinasabi sa mga ito.

--

"Huy! Pasalubong kako," asik ni Duchess sa akin.

She's sitting beside me in our sofa while her one arm is extended, nakabukas ang palad sa harapan ko.

Naguguluhan akong napatingin sa kanya. "W-wala..." Hindi ko siguradong sagot sa kanya. Ano.. anong sinabi niya ba?

Sinimulan kong buksan ang box na dala namin pauwi rito. Kuya bought something for her pero ang sasabihin ko na lang ay ako ang nagbigay, like always.

"Wala? Sure ka, Sap? Lagi naman meron kapag umuuwi ka ah? Ganyanan na ba? For 3 years, Sap..."  sunod-sunod na litanya niya.

Inosente kong pinagmasdan ang pagrereklamo niya sa akin. Gusto kong mapa- face palm, ano bang isinagot ko? "Joke... meron pala.." sabi ko na lang. Hindi pa rin sigurado.

Her eyebrows arched, "Hala! lutang ka ba? Jetlag pa rin?" sabi niya habang nakatuon ang atensyon sa remote para buksan ang tv.

I just smiled at her. I started searching the gift inside the box, this one is picked by kuya for her. I have one for her too na inilagay ko naman sa paper bag.

"Here.." tawag ko sa kanya nang mapansin na nakatutok siya sa tv.

We have two weeks left before resuming of classes. Kahapon lang kami dumating ng umaga, kaya siguro nga ay naroon pa rin ang utak ko.

"Wow! Dalawa pasalubong mo?" nagtatakang tanong niya. Nabawasan ng kaunti ang excitement sa boses niya, I don't know how to describe it.

I glanced at the televisiom first, thinking of a reason to say. I bit my lip and sighed, "Uh..oo, kasi.. hindi ako makapili sa dalawa... I bought two na lang.." Iwas ang tingin kong ipinapaliwanag iyon.

I'm sorry Duch, I have to lie...

Normally, Clane is the one to give the gifts tuwing may ibibigay si kuya but this time I told kuya ako na lang ang magbibigay. He didn't reminded me of making a lie, I mean baka hindi tanggapin ni Duch pag nalaman niya.

She nodded atsaka pinatay ang tv, "Thank you, Sap. Sweet mo talaga," She chuckled. "Kwentuhan mo na lang ako tungkol sa naging bakasyon niyo this year!"

I sighed. Buti na lang at naniwala siya roon, kahit nagbago ang boses niya. It's weird that she doesn't want to watch anymore but it's weirder na nagpapakwento siya sa akin.

Sa amin kasing dalawa, siya ang madaldal. She never asked about our vacation and I understand that because she knew we are with kuya and that he'll be involved with the stories.

Nakangiti siya sa akin ngayon at naghihintay ng kwento ko. She still hasn't opened the gifts, itinabi niya lang ito sa gilid.

"A-ano... are you sure?" I asked.

Zeno's Sapphire Where stories live. Discover now