Sino si Pedro Pekyan?

Si Pedro Pekyan ay isa sa mga karakter ng "Ay! Parang Tanga!", na napili naming mag-iina bilang pen name. Kami ay nagparang tanga sa pagmamadaling pumili bago ilabas ang libro. :D

***
Ano ba 'yung "parang tanga"?

Ito ay expression na pwedeng positibo, negatibo, o wala lang! :))

Mga halimbawa:
Positibo:
"Parang tanga 'tong biko mo, Elsa! Sobrang sarap!"
Negatibo:
"Ay! Parang tanga ka, Mr. Demayos! Nagtapon ka na naman ng piping baso dito!"
Walang kahulugan:
"Ay! Parang tanga! Na-shoot 'yung susi ng alkansya ko sa kanal."

***
Bakit gumagawa si Pedro ng mga parang tangang istorya?

Para:

1. Mag-publish ng mga content na makabuluhan.
2. Mapa-isip ang mga mambabasa at mga nakikinig habang sila ay nagre-relax o nag-eenjoy.
3. Magpresenta ng mga pananaw ng iba't ibang klaseng tao ukol sa iba't ibang ganap na parang tanga lang.
4. Makadagdag ng ilang parang tangang kwento sa panitikan ng Pilipinas.
5. Para kumita habang nag-eenjoy tayong lahat nang parang tanga.

***
Saan kami pwedeng mag-tune in?

1. Facebook
2. Youtube
3. Spotify
4. Instagram

***
Kailan ang next story?

Walang regular na schedule ang publishing kasi:

1. Magkakaiba ang haba ng mga istorya.
2. Kami ay mother/daughter/son Team at lahat mula sa conceptualization, writing, editing, voice acting at recording, audio-editing, proofing ng written at audio contents, artwork ng lahat ng contents, at release kami lang ang gumagawa.
3. Ito ang una naming proyekto at kami ay marami pang inaaral at natututunan araw-araw.
4. Gusto naming masiguro ang kalidad ng bawa't istorya kaya dumadaan ang mga ito sa masusing pagsusuri bago i-release para makamit ang mga layuning nabanggit sa taas, nang parang tanga lang.

***
Gusto ka naming suportahan Pedro. Paano?

1. Mag-subscribe, sa YouTube channel ni Pedro Pekyan.
2. Mag-follow sa Pedro Pekyan Facebook page at Spotify podcast.
3. Patuloy na magbasa sa Wattpad.
  • JoinedFebruary 13, 2023



Story by Pedro Pekyan
Ay! Parang Tanga! (w/ podcast) by PedroPekyan
Ay! Parang Tanga! (w/ podcast)
Ano ang "Parang Tanga?" Iyon bang may pumitik ng kulangot na pagkalaki-laki tapos tumapal sa taluka...
ranking #2 in masaya See all rankings