Chapter 36 (secret room)

10.4K 495 33
                                    

Icey Rhaine POV

"Queen may laban daw tayo mamayang gabi" sabi ni Drake habang nakatingin sa cp nya nanduto nga pala kami sa dorm ko di kami papasok kasi nakakatamad hehe

"Hmp tagal pa mamayang gabi pa" sabi ko sabay pout

"Oo nga ehh nakakaboring" sabi naman ni Kiana tsaka umupo sa tabi ko

"What if labas tayo ng school hehe" sabi ni Zyle hmm oo nga noh

"Oo nga tara tapos pool party tayo" sabi ni Joanna

"Gusto mo lang makita abs ko ehh" sabat naman ni Louis

"Anong abs baka tabs" sabi ni Joanna kaya nagtawanan kami pano ba naman kasi ang epic ng muka ni Louis hahhahhaa

"Anong tabs ka dyan baka maglaway ka pag nakita mo pede mo ding hawakan kung gusto mo" sabi ni Louis tsaka inakbayan si Joanna

"Yucks tara na ang hangin na dito" sabi ni Joanna tsaka umiwas kay Louis

"Anong hangin totoo naman ahh gwapo naman talaga ko" sabi ni Louis tsaka nag pogi pose pa

"Woahhhh kapit kayo nandyan na ang hanging Louis" sabi ni Tyron kaya nagtawanan ulit kami

"Tara na nga hahhahaha baka sumabog na yung isa dyan" pag paparinig ni Erich kay Tyron na namumula na sa inis ngayon

"Arat na" sabi ko tsaka nanguna lumabas ng dorm

"Sang mansion tayo mag su-swimming?" tanong ni Drake

"Dun nalang sa mansion namin dati" sabi ko ang mansion na sinasabi ko ay yung dati naming mansion nila mom and dad dun kami lumaki miss kona yun kaya nga dun k sinabi na magswimming nalang kamusta na kaya sila mom at dad ngayon sa ibang bansa miss na miss kona sila kelan kaya sila uuwi

"Hey queen nakikinig ka ba" sabi ni Zyle kaya napabalik ako sa realidad

"Huh?" wala sa sariling tanong ko

"Sabi na't dika nakikinig ehh" sabi ni Drake tsaka tinap ung ulo ko hmp

"Tara na nga dal dal nyo" sabi ko tsaka naglakad papunta sa kanya kanya naming car

"Let's have a race matalo manlilibre ng pagkain mamaya" ngiting sabi ko

'Game'
'Go'
'Sige ba'
'Yown hahahhaha'
'Miss kona magrace'
'Sino kaya matatalo nyan'
'Arat na'

Kanya kanya nilang sabi

"Ready" sabi ko na tinanguan nila at sinenyasan ko na sila na 'go' kaya nauna sila at nung medyo malayo na sila ay tsaka ko pinaandar yung car ko ng sobrang bilis bwhahahhaha lumalaban kaya ako sa racing at ni isa wala pang nakakatalo sakin

After a few minutes

Nandito nako sa parking lot ng mansion at hanggang ngayon wala padin yung mga gangmate ko hahhahahha nag shortcut nadin ako kanina para mas mabilis

"Heto pala si queen takte" sabi ni Erich kadarating nya lang kasunod si Tyron

"Asan na sila" sabi ko

"Hinahanap ka hahhahaha akala namin nawala ka kaya bumalik pa kami" sabi ni Tyron ako mawawala luh asa sila may alam lang akong shortcut na hindi nila alam

"Hello...Nandito sya...Sa mansion...Oo bilisan nyo... Mukang naiinip na sya...Ok sige...Bye" sabi ni Erich sa phone nya hmp tama sya naiinip na nga ako

"Sino yun" tanong ni Tyron

"Si Kiana tumawag sakin at sinabi kona din na nandito kana queen" sabi ni Erich na tinanguan ko lang at maya maya pa ay dumating na si Kiana kasunod si Zyle

Queen of All(The Only Girl In Section D) ✓Where stories live. Discover now