May Crush na si Crush (One-Shot)

1.9K 76 49
                                    

ASSIGNMENT IN FILIPINO:

Gumawa ng kwentong pag-ibig, minimum of 10paragraphs and maximum of 50 paragraphs. Ilang paragraphs na kaya 'tong nagawa ko??

Pinost ko na din para masaya, hahaha xD

NOTE: ang mga cast sa storyang ito ay pwede ang sarili niyo at ang crush noyo kasi..

LIBRE LANG MANGARAP!!

Sana magustuhan niyo po assignment ko ^^

VOTE-if you love/like the story

COMMENT-if you have any suggestions

BE MY FAN-if you love the author which is ME^^

**************

Bata pa lang ako, magkakilala na kami ni Alvin at mula pa nung bata kami crush ko na din siya. Araw-araw siyang nakipaglaro sa akin noong bata pa kami since kapitbahay lang kami noon. At ngayon, araw-araw niya akong hatid-sundo sa bahay kapag galing o papunta kami sa school. Iisa nga kami ng school pero iba naman kami ng section pero okay lang at least walang nagbago sa amin kasi kami pa din ang mag-bestfriends hanggang ngayon.

"Oie, Clare, andyan na boyfie mo," biro ng classmates ko sa akin.

"Boyfie kadiyan, sira!" sabi ko nito at papunta na kay Alvin,uuwi na kami eh at sinusundo niya ako sa room kapag uuwi na kami. Minsan nga lang hindi ko siya makasamang umuwi dahil sa basketball practice, varsity player kasi siya eh.

"Tara," sabi ko nito. Tumango lang ito at umakbay sa akin. "Bigat ng balikat mo," biro ko nito.

"Di kaya, gaan nga eh," sabi ko nito at nagpout pa.

"Ay? Nagtampo agad? Joke lang yun nuh, parang di ako sanay..."

"Alam ko, di ko nga inalis kamy ko dib?"

"Shunga mo talaga!" hinampas ko siya gamit ang librong hawak-hawak ko pero mahina lang sabay tawa.

"Claire..." biglang sumeryoso ang mukha nito pagkasabi nun.

"Hmmm?" napatigil ako sa pagtawa kasi parang iba ang nararamdaman ko sa sasabihin nito.

"Pwede favor?"

"Ikaw pa, lakas mo kaya sa akin," biro ko nito na totoo naman.

"Tulungan mo naman akong maghanda ng dinner date sa crush ko oh," sabi nito at hinawakan pa ang kamay ko na para bang nagmamakaawa.

"May crush k-kana pala?" nakangiti akong nagtatanong nito para hindi mahalata na fake iyon.

"Yun nga eh, di ko alam ang mga gusto ng mga babae at first time ko pang manligaw," nahihiyang sabi nito.

"H-halata nga e-eh... S-sige ba, t-t-tulungan k-kita," nabubulol kong sabi tapos fake smile ulit.

Agad niya naman akong niyakap na sobrang higpit, napakasaya siguro nito. Pero di niya nasasaktan ako, ang sakit pala eh... Nararamdaman ko na nga ang namumuong luha sa gilid ng mata ko at ready nang pumatak, yun nga lang pinigilan ko ang pagpatak nito. Di ako dapat umiyak lalo nang wala akong karapatan magalit sa kanya. Ngayon ko pa lang narealize na ang sakit sa feeling kapag nalaman mong MAY CRUSH NA SI CRUSH... TT^TT

Days passed at busy ako sa studies at paghanda ng dinner date nina Alvin at sa crush niya. Ako ang pumili ng lugar kung saan gaganapin ang date nila, design sa lugar, pagkain nila, bouquet para ibigay sa crush ni Alvin, gift para sweet, music na ipatugtug para romantic, damit na dapat suotin ni Alvin sa araw ng date nila at marami pang iba. The place was my long dreamed date with Alvin pero hindi na iyon mangyayari pa. Masakit pero dapat kong tanggapin, sino ba naman ako para tumutol? At ayaw kong mawala sa akin si Alvin kahit kaibigan lang tingin nito sa akin, okay na ako doon basta andyan pa din siya sat bi ko. Kung happy na siya na maging sila sa crush niya, happy na din ako dun.

Araw na ng date nina Alvin at sa crush niyapero pinapapunta pa din ako ni Alvin doon para kung may problema, ako na daw bahala. He want this day to be perfect and I can't say NO. Pagdating ko sa place, walang ilaw at takot pa naman ako sa dilim...

"H-hello? YOHOO! M-may tao ba? Brownout ba? Saan ang operator? Naku naman!" sigaw ko habang dahan-dahan naglakad papunta sa di ko alam, ang dilim eh.

"T-teka... a-ano 'to?" may nahawakan akong bagay na mabango at OUCH, it pinch me!

Biglang lumiwanag ang buong lugar at nakita ko ang bouquet na pinili ko para sa crush ni Alvin sa harap ko, yun pala yung mabango. Pagtingin ko naman sa nagahawak nito, nakito ko si Alvin na nagblush. Ang CUTE niya, GRABE! Nakatingin nga lang ito sa baba pero okay lang naman, cute niya pa din.>///<

"Haha, hindi po ako ang crush mo," agad kong sabi habang tumatawa ng malakas, fake yun eh.

"For you..." sabi pa nito with a serious voice pero nagablush pa din ito.

"E-Eh?"

Nagbuntong hininga ito ng malalim. "Bata pa lang tayo, crush na kita hanggang ngayon. Hindi na pala crush ngayon..." tumingin ito sa mga mata ko at sakto din na magtama ang mga mata naming. "...mahal nap ala kita ngayon," pagkasabi niya nun agad siyang umiwas ng tingin at mas namula ang magkabilang pisngi nito, pati na din ang tinga. "S-sana naman kahit date lang tanggapun mo..." dagdag pa nito.

Hindi ako makapagsalita dahil sa tuwa ko at pagkashock ko. Pero bigla nalang tumalikod si Alvin at agad ko naman siang niyakap para hindi na ito makalayo kasi alam kong inakala nito na di ko din siya gusto gaya ng mga teleserye, ganyan yan eh.

"Ba't ka agad tumalikod?" tanong ko habang nakayakap sa likuran nito.

"Alam ko kasing hindi mo matatanggap ito kasi bestfriend lang ang tingin mo sa akin at wala nang hihigit pa dun..." sagot nito na halatang nalulungkot.

"Shunga ka! Sa tingin mo hindi tayo parehaz ng nararamdaman?" pagkasabi ko nun agad itong kumawala sa pagkayakap ko at tumingin ng diritso sa akin. "Akala ko nga wala na akong pag-asa noon kasi may crush kana. Ang sakit nga isipin eh, di ko lang pinahalata para hindi ako sagabal sa nararamdaman mo kasi ganun kita kamahal. Handa akong i-give up ang lahat-lahat basta makita ko lang ang taong gusto ko na masaya. Mahal na mahal kita, alam mo yun?" nangiligid na ang mga luha ko.

"Mas mahal na mahal kita..." pagkarinig ko sa mga salitang iyon, di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Napayakap naman si Alvin sa akin ng mahigpit habang sinasabi ang mga words na 'I Love You.' Di ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon kasi ang sarap pala sa feeling na malaman mong AKO PALA ANG CRUSH NI CRUSH.^^

TTTTTT H H EEEE EEEE NN N DDDD

T HHH EE EE N NN N D DDD

T H H EEEE EEEE N NN DDDD

i repeat...

VOTE-if you love/like the story

COMMENT-if you have any suggestions

BE MY FAN-if you love the author which is ME ^^*

May Crush na si Crush (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon