panimula

45 0 0
                                    

"Hay naku riesha! Ilan taon ka na ba?!Hanggang ngayun kilos pagong ka pa rin ha!malilate ka naman sa klase at pagkatapos may penalty ka na naman ha!"  walang pagod na pagrarap ni mama kasi Hanggang ngayun nakahiga pa rin ako kahit alam kong may pasok ako.

Kung hindi ko lang Mahal si mama baka natahi ko na bibig neto(joke lang)."mama naman! Nakakarindi naman kasi yang bibig mo...pwede mo naman akong pagsabihan ng maayos..." Pagmamaktol ko kasi sobrang antok ko pa talaga..

"Eh bakit?magigising kaba kapag mahinahon lang ako?hindi diba ! Kasi nga Manang Mana ka sa tatay mong ulupong!" Pagpapatuloy niya sa kanyang rap.

Hay naku, heto na naman at napasali sa usapan ang tatay kong usbaw. Para matahimik na ang buhay ko, Dali dali na akong pumunta sa cr para maligo at makatakas na sa bahay na ito.

Ako nga pala si Riesha Caell Guimonte, isang Grade-11 student. At isa lang Ang motto ko sa buhay , "ONCE A CHEATER ALWAYS A CHEATER" at oo GALIT na GALIT ako sa mga lalaki. Maliban lang sa kapatid kong lalaki na si Rey Calli Guimonte. At Kung bakit? Secret muna para maging exciting ang kuwento!

Kakatapos ko lang maligo at ngayon ay suot ko na ang aking uniporme. Naiilang talaga ako sa bagong uniporme naming kasi yung palda hindi lagpas sa tuhod ko pero mahaba naman ang aking medyas at lagpas tuhod. By the way nag aaral ako sa KAHEL SENIOR HIGHSCHOOL at last year nga pala ako ang Valedictorian ng aming batch kahit kilos pagong ako.

Huminga ako ng malalim nang makita ko sa salas ang kapatid kong kayat na ang laway sa sarap ng pagkatulog. Nahihili ako dahil sa ngayun wala siyang iniisip na problema , di tulad ko halos problemahin ko na LAHAT kahit hindi halata pagod na pagod na ako. Dahil hindi ako nagtitiwala sa mga taong hindi ko Kilala ng lubos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Exaggerated LoveWhere stories live. Discover now