Halik ng Pag-Ibig part 2

11.6K 248 10
                                    

Habang kumakain ako sa canteen kasama ang isa pa kong kaklase  na si Erika, biglang naghiyawan ang mga estudyanteng naroon. Ano pa nga ba ang dahilan, syempre ang pagpasok ng crush ko na si Jake. Kasama niya ang kanyang mga barkada na pawang may itsura rin at astigin. Bumili rin sila ng kanilang kakainin umupo sa kabilang mesa na katabi lang sa amin. Kami naman ay tuloy pa rin sa pagkain at kuwentuhan. 

"Friend, look oh si Jake nasa kabilajng table, grabe ang gwapo talaga. Uyyyy kinikilig na naman siya sa crush niya " si Erika.
"Shhhhh, huwag kang maingay baka marinig tayo nakakahiya", mahinang sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba lapitan mo oh pakilala ka, pagkakataon mo nang makausap ang campus crush oh!" si Erika.
"Hindi pwede ano papahiyain lang ako niyan lalo na kasama pa niya ang mga barkada niya". pagtanggi ko sa kanya.

Marahil ay narinig ng grupo nila Jake ang pag-uusap namin kaya nagsalita ang isa sa kanila. "Narinig mo ba yun Jake, isang stupid and idiot kakausapin ka. In his dreams. Saka may crush sayo , e may pagkaberde pala ang dugo nito."

"Asa naman yan, alam niyo naman na hindi ako nakikisama sa mga di ko ka level lalo na sa isang bakla!", pang-iinsultong sabi ni Jake. Nagtawanan naman ang mga estudyanteng nakarinig.

Nabigla naman ako sa aking mga narinig, at naluha na lang ako na agad kong napigilan para di makita ng iba. Napuna naman iyon ni Erika kaya niyaya na niya akong lumabas at bumalik sa room.

"Dave, pasensya ka na sa ha kasalanan ko. Grabe naman sila ang sasama ng ugali lalo na yang Jake na yan, ang yabang." sabi ni Erika sakin habang naglalakad pabalik sa room.

"Huwag na natin pag-usapan yan, kaya sa una pa lang iniiwasan ko na sya eh" sabi ko sa kanya.

Nang makabalik na kami sa loob, nakita ko si Pat nakaupo at tila hinihintay ako. Alam na pala niya ang nangyaring eksena sa canteen kaya nagalit siya kay Jake. "Sa susunod Dave, dapat lagi mo na kong kasama at kapag naulit pa ang panglalait niya sa iyo ako na ang makakalaban niya", sabi niyang may pagbabanta. Kahit papaano, nabawasan ang sama ng loob ko dahil merong tao na siyang sumusuporta sa akin.

Natapos ang klase namin sa araw na iyon. Sumasabay sakin si Pat tulad ng parati niyang ginagawa. Habang naglalakad kami may napuna akong malaking usok. Bigla akong kinabahan kaya binilisan namin ang paglalakad.AT sumambulat samin ang malaking apoy na nangagaling sa aming carinderia. Nasunog na pala ito kasama ang aming bahay. Nakita ko namn si Itay na naiiyak na sa nangyari. Sumabog pala ang LPG tank at mabilis ang paglaki ng apoy. Nagpapasalamat pa rin ako at nakaligtas ang aking Itay sa nangyari.

"Anak, paano yan wala na tayong bahay at kabuhayan, ano na ang gagawin natin?" naiiyak na sabi ni Itay.
"Hayaan niyo po, kakayanin nating bumangon muli, pagsubok lang po ito." pampalakas-loob kong tugon sa kanya.

Inalok kami ni Pat na sa kanila muna tumuloy habang wala pa kaming matitirhan. Pumayag naman kami pansamantala. Hanggang sa isang araw may balitang sinabi si Itay sa akin.

"Dave anak, naalaala mo ba yung bestfriend ko nung nag-aaral pa ko. Inalok niya tayo na sa kanila muna manirahan. Ok lang ba sa iyo yun anak, nakakahiya na kasi kay Pat dahil masyadong maliit na tirahan nila para sa atin", si Itay.

"Ah ok lang po sakin yun, walang problema.", pagsang-ayon ko sa kanya. Naisip ko kasi na di kami gaano mahihirapan dahil ayon kay Itay, mayaman ang bestfriend niya. Sinabi ko na rin kay Pat ang plano namin. 

"Best, ingat ha lalo ka na, pag may problema sabihan mo agad ako, tandaan mo nandito lang ako para sa iyo." si Pat.

"Salamat ha sa pagpapatuloy samin dito sa inyo, nahihiya na nga ako sa iyo eh ang dami mo nang naitulong sa akin di ko na alam kung paano ko pa masusuklian ang kabaitan mo."

"Isa lang naman ang gusto ko eh ang makuha ang pagmamahal mo", sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.

"Mahal naman talaga kita eh pero bilang isang kaibigan, sensya ka na kung di ko matapatan ang damdamin mo para sa akin." sabi ko na parang nakokonsensya sa kanya. Alam ko matatanggap din niya ito. Kaya kahit naluluha ngumiti pa rin siya sa akin.

Kinabukasan, di muna ako pumasok sa school para asikasuhin ang paglipat namin. Magtatanghali na ng makarating kami sa titirhan namin. Namangha talaga ako sa bahay dahil talagang malaki ito at pangmayaman. Sinalubong kami ng mag-asawang nakatira dito.

" Welcome to your new home Mariano hehehehehe, iyan pala ang anak mo aba ang gwapo palang bata ito" sabi ng lalaki.
"Oo nga ano parehas pa sila ng school at year level ng anak natin" sabi naman ng babae.
"Siyempre naman kanino pa yan magmamana e di sa akin" pagmamalaki ng Itay ko sa mag-asawa.

Pinakilala ako ni Itay sa mag-asawa. Sila ay sina Tito Eddie at Tita Edna. Mabait sila di tulad ng ibang mayaman. Nilibot din nila kami sa buong bahay at sinamahan sa magiging kwarto namin.

Todo naman ang kuwentuhan ng magkumpare kaya si Tita Edna ang nagsama sakin sa aking magiging kwarto.

"Ok na ba sayo itong silid Dave" tanong ni Tita ng makapasok na kami sa loob.
"Ah eh sobra po yata malaki to para sakin pede naman kahit sa guestroom lang pede na eh" nahihiya kong sabi sa kanya.
"Wag ka nang mahiya, ituring mo na itong sariling bahay, alam mo dito sana magiging kwarto ng isa ko pang anak na lalaki kung di siya namatay, kaya napagdesisyunan ko na ito ang magiging kwarto mo para na rin magkaroon pa ko ng isa pang anak" si Tita.
"Salamat po talaga Tita Edna" sabi ko ng nahihiya.
"Youre welcome, ah siya nga pala ung kwarto sa kabila ay ang kuwarto ng nag-iisa kong anak. Mamaya nandito na yun hintayin mo lang, tiyak ko magkakasundo kayo.Sige ayusin mo na ang mgha gamit mo bababa lang ako at maghahanda ng meryenda." sabi  ni Tita.
"Sige po salamat ulit"

Kinagabihan, sabay-sabay kami naghapunan. Kuwentuhan to the max pa rin sina Itay at Tito Eddie. Nalaman ko sa kanila na si Itay pala ang naging daan para magkakilala sina Tito Eddie at Tita Edna.Habang busy sa pagkain at pakikinig sa usapan nila, may biglang nag doorbell.

"Oh ayan na ang anak natin honey, buksan mo na bilis para makasabay na sa hapunan." utos ni Tito Eddie kay Tita Edna.

"Ako na po ang magbubukas Tita, para sa ganoon makita ko na rin ang anak ninyo." pagboboluntaryo ko.

"Ah sige Dave, mabuti na rin iyon para magkakilala na rin kayo, mabait iyon at madali mo syang makakasundo hehehe." si Tita.

Pumunta na ko sa may pinto. Nang binuksan ko ito, biglang nanlaki ang mata ko sa pagkagulat at nakaramdam ng kaba sa nakita.

Itutuloy..........

Halik ng Pag-IbigDonde viven las historias. Descúbrelo ahora