"SIGURADO"

14 0 0
                                    

Yung totoo
Hindi ko alam kung pano 
Kung paano ko nga ba sisimulan ang tulang to
Masyado na kasing naguguluhan ang isip ko

Pati yata puso ko dinamay mo
Para akong hinahabol ng napakaraming puso
Kaso nangangamba ako
Totoo kaya to?

O nananaginip lang ako?
Nakakalito
Tama ba tong nararamdaman ko para sayo?
Tama bang mahalin ko ang isang tulad mo?

Na sa simula pa lang ng kwento
Unang pahina pa lang sa libro
Nasaktan mo na ako
Kaya lalo akong nalito kung paano ako nahulog sayo

Ang daming rason
Para hindi kita paglaanan ng atensyon
Kaso yung puso ko hindi sumasang-ayon
Pati isip ko hirap ng kumalas sa sitwasyon

Teka, ito na yata ang sinasabi nilang puhon
Ito na yata ang itinakdang panahon
Meron na akong sagot sa mga tanong
At masaya akong natagpuan na ng puso ko ang kanyang distinasyon

Alam kong puro ako siguro
Pero sa oras na to
Sana paniwalaan mo
Na totoong nahuhulog na ako sayo

Alam kong hindi maganda ang simula ng kwento
Nagkasakitan tayo
Kaya hindi ko inaasahang sa dulo
Mamahalin ko pala ang isang tulad mo

Nalito man sa unang yugto ang puso ko
Ngayon Sensui, wala ng siguro
Kasi si Taguro
Sigurado na sayo
💙❤️

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now