1st Chance

952 50 17
                                    

"I love you"

Dapat masaya ako ngayon dahil narinig ko na sa kanya ito.

Natz, sino bang niloloko mo? Alam mo sa sarili mo na hindi para sayo ang mga katagang iyon.

"Korj! Ano bang ginagawa mo dito? Lasing na lasing ka na."

Bakit kasi sa dami ng bar pupuntahan ko dito sa Pilipinas, itong bar pa na ito ang napili ko.

Bakit ganito ang nangyayari sa akin ngayon? Umalis ako ng Pilipinas para iwasan siya pero bakit pagkabalik ko ng Pilipinas, siya agad ang makikita ko?

Wala din ako naging choice kundi dalhin papalabas ang lalaking ito bago pa may makahalata na ganito ang kalagayan nito. Pero paglabas namin ng parking, hindi ko makita ang sasakyan niya at hindi ko rin makita sa katawan niya ang susi ng sasakyan niya at cellphone. Ano bang nangyari sa lalaking ito?

Wala din akong ibang nagawa kundi sinakay ko siya sa sasakyan ko. Mahimbing na rin ang tulog niya kaya hindi niya siguro alam na kinakalakad ko na siya maisakay ko lang siya.

Natz, pagkakataon mo na para bugbugin ang lalaking ito. Pero huwag na, mas magandang gawin kapag gising ang taong ito. Mas gagaan ang loob ko.

"Janine, bakit mo ko iniwan? Bakit pati ikaw?"

Akala ko tapos na siya sa mga hinaing niya doon sa babaeng iyon. Hindi ba niya alam nasa loob siya ng sasakyan ko at puwedeng puwede ko siyang itapon papalabas.

Sabihin niyo ng brutal ako, pero alam din ni Korj yan na simula pagkabata, brutal talaga ako sa kanya.

Teka, parang may mali sa huli niyang sinabi. Bakit may pati ikaw? Ibig bang sabihin meron pa siyang iba pang naging karelasyon bukod kay Janine. Kapal talagaaaaa!

Pagdating ko sa hotel na tinutuluyan ko, bago ko siya binaba, tinakpan ko muna ang mukha ng lalaking ito.

Yes, sa hotel ko siya dinala kung saan ako nakacheckin dahil hindi naman ako sa bahay tumuloy ngayon kasi hindi alam ng family ko na nandito ako.

"Ms. Javier, do you want us to help you?"

Umiling lang ako sa front desk ng hotel. Huwag silang magaalala, barako ako.

Pagdating na pagdating namin ng room ko, hinagis ko na siya sa kama ko dahil nasusuka ako sa amoy niya.

"Bakit ba lagi niyo ko iniiwan? Am i not worth it to be loved?"

Anong klaseng tanong yan Korj? Anong tawag mo sa akin? Simula pagkabata natin, alam ko na sa sarili ko na mahal kita pero alam ko din sa sarili ko, bestfriend lang ako tingin mo sa akin.

Nakita kong hindi na siya komportable sa suot niya kaya labag man sa kalooban ko, kailangan ko tanggalin ang polo niya.

Habang tinatanggal ko ang butones ng polo niya, nagulat na lang ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko at minulat niya ang mga mata niya.

Gusto ko sana matunaw sa mga tingin niya.

"I love you."

Laking gulat ko dahil bigla niya kong hinalikan. Pinipilit ko siyang lumayo pero hindi ko maintidihan bakit hindi ko kaya. (Hindi kaya o hindi ko gusto?)

Sino bang niloloko mo Natz? Malamang gusto ko to dahil ito ang matagal ko ng hinihintay. Hindi ko alam ko alam kung bakit umiiyak ako. Umiiyak ba ko sa tuwa dahil hinahalikan niya ko at sinabihan niya ko ng "i love you" o umiiyak ako sa sakit dahil alam ko naman hindi ito para sa akin at hindi ako ang iniisip niya.

Kailan ka pa naging martir, Natz?

**************************************

"Flash News! Patay na ang sikat na aktor na si Ginsburg pagkatapos sumabog ang kanyang sasakyan."

*blagggggg*

"ANONG NANGYARI?!!!" tumakbo papunta sa akin si Korj dahil sa pagkabagsak ng tasa ng kape na hawak.

"Natz! Nasusugat na tong paa mo at ang init nitong kape!"

Hindi ko rin alam kung bakit di ko nararamdaman un sugat sa paa ko at un init ng kape sa balat ko. Pero hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa balita sa TV.

Mukhang napansin na rin ni Korj un balitang pinapanood ko at doon na rin niya nalaman kung bakit nagulat ako ng ganito.

Ano ba itong balitang pinapanood? Paanong namatay si Korj kung andito siya sa harapan ko?

"Ano ito Natz?"

Hindi ko rin masagot si Korj.

Pero hindi pa nakakamove on si Korj sa nabalitaan namin sa TV pero napansin na rin niya ang kalagayan naming dalawa. Napatingin siya sa sarili niya kung saan underwear nalang ang suot niya at ako nakabathrobe lang.

"Natz..."

"Korj, kalimutan mo na lang nangyari. Tatawag na ko sa police station kung ano ba talaga nangyari sayo."

Laking pasasalamat ko dahil hindi na niya pinilit pagusapan ang nangyari samin. Oo, may nangyari samin at alam ko naman ako lang nakakaalala ng nangyari sa amin.
At mas importante din asikasuhin namin ngayon ang nangyayari sa kanya,  tumawag ako agad sa mga contact kong police para malaman kung ano nangyari kay Korj at doon ko nalaman na sumabog ang sasakyan niya at nagkataon ang nakausap ko, kakaalam lang nila na ang dahilan ng pagsabog ay dahil sa bomba kaya pinilit ko sa kanila, huwag muna sabihin kahit kanino ang totoong nangyari kahit sa pamilya ni Korj.

Nalaman namin na may taong naglagay mg bomba sa sasakyan niya at based sa pagkakatanda njya habang lasing niya, mayroon lalaking kumukuha ng mga gamit niya pero hindi na niya napigilan dahil sa kalasingan.
Nagdecide kami na huwag na lang ipaalam kahit kanino na buhay siya. Habang inaalam namin kung sino ba ang nagtaka sa buhay niya.
Laking gulat ko dahil sumama sakin pabalik si Korj sa Amerika para doon muna tumira.

****************************************************
After 1 month...

"Congratulation Ms. Javier,  your one month pregnant."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[CLASS 4-6 SIDE STORY] His Second Chance - KorjNatz coupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon