Kabanata 48

1.6M 36.7K 6.3K
                                    

Kabanata 48

For Closure

"What?" Padarag kong naibulalas.

Nakapasok na si Brandon sa bahay at tumitig kaagad siya sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya, masyadong abala sa pakikipag usap kay mommy.

Hindi rin agad nakasagot si mommy sa akin. Nahimigan niya siguro ang pagkakainis ko sa kanyang desisyon.

"Y-You see... Hindi naman pwedeng ideny natin ang katotohanan. May anak ang daddy mo a labas, and I want to meet her. I need to meet her."

"For what?" I know it was rude to ask. Of course, daddy is her husband. Tungkulin niya iyon bilang nagmamahal.

"For closure." Nanginig ngunit klaro ang boses ni mommy nang binanggit niya iyon.

Kinilabutan ako at hindi nakapagsalita. This is her way of coping. This is her way of accepting things. Nakalimutan kong higit sa lahat ay mas mahirap ang sitwasyon na ito para sa kanya. Siya ang pinagtaksilan ni daddy. Ano ang pakiramdam kung ang asawa mo ay may anak sa iba? Kahit selos nga ay hindi ko matanggap, paano pa iyong may buhay na ebidensya?

Nang humugot siya ng malalim na hininga, alam ko na kaagad na hindi ako ang magdedesisyon dito. This is my mother's way of building her trust for my father again. Ang makilala ang kanyang anak sa labas at magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat sana ay wala siyang alam ay ang magiging dahilan sa tuluyan nilang pagkakaayos. Mom would be relieved if she knows about dad's darkest secrets.

"Kailan?" Tanong ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Brandon sa aking baywang. Pinapakalma at sinusuportahan ako. Wala siyang alam sa usapan namin ni mommy pero nakita niya siguro sa intensidad ng aking mga buntong hininga at sa tono ko na hindi mabuti ang nangyayari.

"That's why I'm asking you kung kailan ka uuwi ng Manila, para isasama kita."

"Next week." Sabi ko kaagad. Gusto ko sanang sabihin na hindi ako uuwi para hindi niya makilala si Arielle pero I need to cooperate this time.

"Okay. I-update mo ako sa mga detalye so we can set a formal dinner with her."

Nilagay ni Brandon ang kanyang baba sa aking balikat at niyakap niya ng tuluyan ang aking baywang. Nakatingin ako sa labas ng bintana habang dinidinig ang mga bilin ni mommy.

"As soon as possible, Av."

"Yes, my. But can we talk first? I don't want to rush this. We're not in good terms. You know that." Sabi ko.

"Kahit civil lang, Av, para sa gabing iyon." May bahid na pagsusumamo sa boses ni mommy.

Umiling ako. "I know how to be civil."

"I know this is also hard for you, Av-"

"Don't start the pity party, mommy. Sige, I'll be there." I sighed. "Sana lang ay huwag kang magkakamaling dalhin siya sa Cebu. She is not a Rama. She is not your child."

"She isn't! Of course, she's not my child, Avon." Tumaas ang tono ng boses ni mommy.

"I just want to remind you, my." Sabi ko bago ko binaba ang cellphone.

One Night, One Lie (GLS#2)Where stories live. Discover now