Chapter 1

69 4 2
                                    

Chapter 1

Liga


"Talaga? Ginawa niya 'yon?"


Tumigil sa pagsasayaw si Loren at tinignan ako sa mula sa salamin. Tumango ako sa kanya. "Oo," I answered and continued dancing.


"What?! Grabe! Feeling ko talaga ay may galit sa 'yo si Faye!"


Natatawa akong umiling sa kanya. "Wala, ah... Baka hindi niya sinasadya."


Kwinento ko kasi ang nangyari sa classroom namin noong nakaraang linggo. Si Loren ay isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon kaya hindi kami magkaklase.


Nandito kami ngayon sa studio ng aming dance club na napapalibutan ng glass mirror. Nakilala ko si Loren dahil sa club na ito, simula nang sumali ako ay naging mabuti ang loob namin sa isa't isa.


"Tsk." she scoffed. "'Yan! 'Yang ugali mong 'yan ang mag papahamak sa 'yo."


Kumunot ang noo ko. Tumigil na rin ako sa pagsayaw at pinatay ang tugtog.


"Anong ugali?"


Her eyes narrowed. "Masyado kang mabait! Anong hindi sinasadya?! Narinig mo naman 'yung sinabi niya 'di ba? May galit talaga siya sa 'yo. Tsk. Ginawan ka na ng masama, pinagtatanggol mo pa!"


Sinimangutan ko siya. "Anong mabait? I'm just trying to understand her! Ayaw kong husgahan agad ang isang tao."


Umiling-iling sa akin si Loren, hindi makapaniwala. "Eh si Kairi, sa tingin mo ba't niya 'yon ginawa?"


Agad sumama ang timpla ko pagkarinig ng pangalan ng lalaking iyon. Napangiwi si Loren sa naging reaksyon ko.


"Ewan ko." I shrugged. "Baka trip niya lang o talagang makasarili lang siya?"


"Wow! Kakasabi mo lang na ayaw mong husgahan agad ang isang tao pero sinabihan ng makasarili si Kairi!"


"Dahil matagal ko alam ang ugali niya, Loren." I said nonchalantly.


"Tsk. You are really different when it comes to him."


Natigilan ako sa sinabi niya. My brows furrowed. "Anong ibig mong sabihin?"


"Ewan." kibit-balikat niya. "It's for you to find out."


I'm different when it comes to him? Anong pinagsasabi nitong babaeng 'to? I just really hate him and I'm irritated because of what he did last week.


"Sinong nagsabing p'wede mo siyang awayin? Ako lang ang p'wede. Ako lang dapat. Kung gusto mo siyang awayin, ako ang makakaharap mo."

Finding My Place in Your Heart (Sitio Series #2)Where stories live. Discover now