Chapter Twenty One

24.2K 1.6K 676
                                    

Chapter Twenty One

I feel so drained.

Pakiramdam ko lahat nang energy na meron ako sa katawan, nagamit ko na nung Sabado. My social battery is so low, I can't even response doon sa mga messages nila sa groupchat namin. To be fair, hindi rin naman importante kasi nag s-send lang sila ng mga nakuhanang selfies ng isa't isa.

Nag send si Chichi nung mga selfies nila ni LJ sa Fort Santiago. Meron din yung picture naming tatlo na halatang halata na sapilitan akong isinali sa picture.

MONA: Miss Prez bakit hindi ka naka smile?

Tanong ni Mona sa chatbox. 'Di ko na sinagot. Nag seen lang ako. Nakita ko naman nag chat si Chichi.

CHICHI: Cute pa rin naman si madam prez, hehe.

After that, nag send pa ulit ng mga pictures si Chichi. This time, kasama na sa pictures sina Seb and Harold. May stolen ni Seb doon habang palabas kami ng Fort Santiago, magkasalubong ang kilay. Hindi ko maiwasang matawa kasi caught in act yung pagkainit ng ulo niya. Then meron din selfie si Chichi with Harold. Harold's the one who's holding the camera, tapos si Chichi naman naka peace sign.

I click on the picture at zinoom ko ito sa mukha ni Harold. I felt a different kind of warmth seeing him smile like that. Well, he always gives the warmest of smiles. Yung tipong parang cino-comfort ka? If you're having a bad day, hindi na niya kailangan mag salita, ngumiti lang siya, magiging okay ka na ulit,

Ganoon sa akin si Harold.

He's the source of both my pain and comfort.

Maya maya, nag send na rin ng picture si Mona. Selfie rin nilang dalawa ni Harold. Like Chichi's, Harold is also the one who's holding the cam. And kung kanina, warmth ang naramdaman ko doon sa picture nila ni Chichi, dito naman, pain.

I feel like I'm being stab in the heart again.

Ang bagay nila tignan, ang sarap umiyak.

I'm lying to myself kung sasabihin kong hindi ako naiinggit kay Mona or even kay Chichi na may selfie sila ni Harold. Sa totoo lang, inggit na inggit ako. I want one too. I was waiting for him na siya ang mag offer dahil wala akong lakas ng loob to ask a photo with him. Pero ayun nga, hindi naman kami halos nag usap nun dahil most of the time, sila ni Mona ang magkasama. Nung pauwi na lang kami nagkausap and hindi ko pa magawang tumingin sa kanya ng diretso.

Why am I like this?

I don't want to torture myself anymore that's why I decided to close the chatbox. Pero bago ko pa magawa, nakita kong nag seen si Seb at in-angry react niya yung picture.

CHICHI: Seb?! Nagkamali ka ba ng pindot?!

LJ: Ay may pag angry, lmao.

MONA: Hala bakit po angry?

Seb did not reply. Napairap na naman ako. This guy is being too obvious while Mona is being too oblivious sa mga galawan ni Seb. Kahit nung pauwi na kami galing Intramuros, bigla na lang siya nawala. Nag text na lang siyas a group na nauna na siya. Paano siya makakalamang kay Harold kung ganyan siya umasta? Halatang 'di pa marunong manligaw ang isang 'to.

~*~

I spend my whole Sunday lying on bed doing nothing. I'm not sick but I feel so tired. Alam kong dapat akong mag review para sa test namin sa Monday but I can't even bring myself to open my text book. Nakapag advance study na naman ako dito and medyo confident ako na I'll nail the test, but still, alam kong dapat hindi ako nagpapa kampante.

Stay Wild, Moon ChildWhere stories live. Discover now