14

208 2 0
                                    

Taas baba ang dibdib ni Jerald habang nakatanaw sa madilim pa nilang bahay.
Hindi nya gustong mag isip nang masama.pilit nyang inaalis sa isipin nya ang bagay na yun.
Kilala ko naman si Ryan..baka nga nagtatampo si Jeni kaya baka hindi pa tumuloy dito sa bahay..tama.. Yun yun..

"Oh..wala pa si Jeni.."

Nakangisi si Thea na pinadaan ang daliri sa gilid nang mukha ni Jerald.

"What the?"

Inis na tinignan ito ni Jerald saka tinabig ang kamay.

"Oh..wag ka naman magalit sakin..hindi naman ako ang kaaway mo..
Ihatid mo na lang ako sa bahay, samahan mo.muna ako, let's drink"

Mabigat na bumuga nang hangin si Jerald.

"Ihahatid na lang kita sa bayan..I need to go back here agad..baka  bigla dumating si Jeni"

Napika naman si Thea na nakahalukipkip..

"Fine!mukha ka namang Jeni mo eh!.
Tsk!sa may bakery na lang at bibili ako nang cake!"

Mabilis na inikot ni Jerald ang kotse saka pinaandar para ihatid si Thea sa bayan.nakatingin na ito sa labas nang bintana at mukhang nabanas na.
Nakahinga naman si Jerald nang maluwag ..buti nga at ganun.
...samantalang nagngingitngit si Thea sa inis dahil kahit anong gawin naman nyang paglalandi kay Jerald ay lalo naman itong uma-aloof..ang nakakairita pa ay panay banggit nito sa Jeni na yun! Nakakainis!!
Makakakuha din ako nang tyempo sayo Jerald.
Natigilan ako nang makita sa kabilang kalsada si Jeni at Ryan!.lihim kong tinignan si Jerald.mukang hindi nya napansin.
Napangiti ako.

"Dito na lang,ah!just wait me a second darling,.. pakihatid na lang ako sa kanto malapit na lang dito okay?"

Malambing na wika ni Thea..
Bumuga na lang nang hangin si Jerald na tumango.pagod na syang makipagtalo dito.
Saka hininto na ni JeralD ang kotse

Masayang bumaba si Thea at siniguro nya na makikita sya ni Jeni.
Pagkatapos makabili ay malaki ang ngiti nyang bumalik saka sumakay ulit sa kotse.
Ang malademonyitang ngiti ang nakapaskil sa labi ni Thea.

"What's it?"

"Huh?"

"Bakit nakangiti ka?"

Kunot noo si Jerald.

"Ah!nothing! Tara na.. Malapit na Lang naman ako dito..paki abante na lang sa kanto.."

Napabugang hangin na lang si Jerald na nagmaniobra.

Huh..tignan natin kung may tiwala pa sayo ang Jeni na bukambibig mo.
😏
.
.
.
.
JeNi PoV:

Hilam ang mga mata nang bumaba na sya sa motor..umiyak sya nang umiyak habang sakay nun at siniguro nyang mabubuhos na ang lahat nang luha nya para pagdating sa bahay nila eh may lakas syang loob,matigas at matatag.
Pero mabigat pa din ang pakiramdam nya at lalo lang bumigat nang makita nya si Jerald na nag aabang na sa may gate.

"Salamat Ryan"

Bumaba na ako sa motor saka binalik ang helmet.

"Pare!sorry ginabi na si Jeni..kumain lang kami sa labas"

Tinignan lang ni Jerald si Ryan saka tumango at hinila na nya sa kamay si Jeni papasok sa bahay.

"Aay!ano ba yan Jerald!"..

Nilingon nya si Ryan saka kumaway na lang dito.
Tumango naman ito.

"Jerald!"

Nang makapasok sila sa bahay ay binalagbag nito pasara ang pintuan.
Nakatiim bagang itong nakatitig sa kanya.

BeWare!Horny Husband!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu