Epilogue

245 16 1
                                    

Lorraine's POV


"Lori, kailan mo ba ipapakilala sa akin 'yan?" nabigla ako nang biglang magsalita si mama sa likuran ko.


"Ma, hindi ba at pinakilala ko na siya sa'yo?" sabi ko.


"Gaga! Sa personal," napahawak ako sa batok ko dahil binatukan ako ni mama. Ang sadista talaga niya!


"Malapit na ma, kaunting hintay na lang."


"Kailan 'yang malapit na 'yan?" nakapamewang na tanong nya.


Napabuntonghininga na lang ako.


"Sa sabado po. Magkikita na kami. At third monthsary na namin no'n!" proud na sabi ko.


Yes, tuloy 'yong plano naming meet up sa third monthsary namin. Excited na nga ako eh. Minsan nga napapatanong na lang ako... ano kaya itsura niya? Matangkad kaya siya? Gaano kaya siya kaputi? Basta maraming tanong.


May tanong din ako para sa sarili ko. Paano kaya kung hindi ako pumasok ng rpw? Makikilala ko kaya siya? Makikilala ko kaya 'yong mga kaibigan ko sa rpw? Sina Leigh, Erra, Saji, Nyx, Zeah, Ceah,Clea, Trish, Irish, si mama danna at marami pang iba.


Hindi ko kailan man pinagsisisihang pumasok ako sa pekeng mundo na 'yon. Oo, peke siya pero hindi ibig sabihin na peke rin ang mga tao roon.


Ang pekeng mundong 'yon ang laging tambayan ko sa tuwing ako ay nalulungkot at sa tuwing nakakaramdam ako nang pagiging mag-isa. Siguro ito na ang pinakamasayang ala-ala ang dadalhin ko hanggang sa pagtanda ko.


"Ma! Aalis na ho ako!" sigaw ko bago lumabas ng bahay.


"Mag-iingat ka ha? At 'wag mong kakalimutang dalhin dito ang nobyo mo." Hay nako, si mama talaga.


"Opo, ma!"


Naglakad na ako papapuntang sakayan at nang makasakay ako ay agad kong sinabi kay manong tricycle driver ang bababaan ko.

Wala pang sampung minuto ay nakarating agad kami sa McKinley hill kung saan matatagpuan ang venice grand canal. Nagbayad na ako kay manong bago bumaba ng tricycle.


Chinat ko si Keian na nandito na ako, nag-reply din naman agad siya ang sabi niya ay nasa loob na raw siya kaya naman lakad-takbo ang ginawa ko para makarating sa loob.


Hingal na hingal ako pagkapasok ko. Chinat ko ulit siya kung nasaan siya at sabi niya ay nasa may bridge raw siya kaya tumakbo ulit ako para makarating sa bridge. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang papalapit ako nang papalapit sa bridge. Maraming tao ang naroon kaya naman chinat ko siya ulit.

Our RPW Love Story || An Epistolary Where stories live. Discover now