Chapter Forty-Three

184K 4.5K 700
                                    

CHAPTER FORTY-THREE

"I HAVE a question," wika ni Sapphire habang binubuksan ang isang rambutan. "Why do you look so excited to see them? Hindi ka ba natatakot na baka sa pagpunta mo roon, maulit lang ulit iyong nangyari sa'yo noon?"

"Sa totoo lang, hindi 'ko iniisip kung anong dadatnan ko roon," sagot ni Johann habang ang atensyon ay nasa harap ng kotse habang nagmamaneho. "Basta. Ewan ko ba kung bakit na-excite rin ako."

"Parang kagabi lang nalasing ka at nagbuhos ng mga hinanakit mo sa kanila," aniya sabay kain sa rambutan.

"Iyon na nga, eh. Pero kasi naisip ko rin na kung matutunan ko nang humarap sa mga mayayaman, mawawala na iyong 'allergy' ko sa kanila. Siguro kung haharapin ko naman ngayon iyong mga taong dahilan kung bakit ilag ako sa rich people, baka mawala na nang tuluyan iyong insecurity ko." Nagkibit-balikat ito. "Ewan ko lang talaga kung tama 'tong gagawin ko."

Kumuha si Sapphire ng tissue at niluwa ang buto ng kinakaing prutas. "This is your other way of facing your fear, huh?"

Tumangu-tango ito. "Iyong mismong nagbigay sa'kin ng fear ang haharapin ko. Hindi naman siguro masama, hindi ba?"

"But really, what are you expecting when we get there?"

Napakamot ito sa batok. "Umaasa ako na nagbago na sila. Alam mo na, baka ngayon, kaya na nila akong harapin ng tama. Afterall, I'm not the same kid anymore. Ah, English!"

"What if your expectations fail? What if they are worst than before? Tignan mo nga iyong si Rafael. Halata namang galit na galit sa'yo pero bigla ka na lang pinapapapunta sa Tarlac, eh, unang beses niyo lang ulit magkita after more than two decades! That's freaking suspicious!" sapantaha niya.

"Praning ka rin, eh 'no?" natatawang sabi ni Johann. "Baka naman matagal na nila akong hinahanap pagkatapos nang aksidenteng magkita kami ni Rafael ngayon, pinaalam niya na rin sa'kin. Kaso hindi direkta kasi nandoon si Sylvia."

"Ugh! That, also! Pinakilala ka lang niyang 'dating kaklase'! Kung iba na trato nila sa'yo dapat hindi na nangimi si Rafael na ipakilala ka na pinsan niya sa asawa niya!"

"Kalma lang, Misis. Baka si Rafael na nga lang ang may galit sa'kin dahil nga, kita mo naman, umangat ako sa buhay. I made it through without them."

"At mas pogi ka."

"Tama! Isa pa iyon. Na-insecure si koya."

Hinawakan niya ito sa braso. "Basta, Johann, kapag unang tapak pa lang natin doon at may sinabi na silang hindi maganda, aalis agad tayo, alright?"

"Bakit ba parang kinakabahan ka? Mga kamag-anak ko naman iyon."

"Na inalipusta ka dati nang bata ka pa."

"Kamag-anak pa rin." Sumulyap ito sa kanya. "Huwag ka nang overprotective, Misis. Alam ko naman kung anong pinapasok ko."

Hindi na lang sumagot si Sapphire. Kumuha na ulit siya ng rambutan at saka kinain iyon. Nag-ease naman na ang kaba niya sa posibleng kahinatnan nang pagpunta nila sa mga Velasquez.

Sana lang talaga ay para sa ikabubuti ni Johann ang pagpunta nila.

***

INABOT na ng dilim sina Sapphire at Johann sa daan. Dahil sa haba ng biyahe at sa marami nilang stop-overs, nakaramdam ng pagod si Sapphire kaya nakatulog na siya pagkatapos nilang maghapunan ni Johann sa isang fast-food chain.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon