Catorce

74 8 0
                                    

Kay liwanag na naman ng kaulapan,
Lumilitaw na naman ang buwan,
Kasama ang mga talang kay kinang,
Kay sarap-sarap talagang pagmasdan.

Nakawawalang sawang tingnan sila,
Lalo na ang buwang napakaganda,
Wala nang ibang hinihiling pa,
Sanay makita sila kasama ka.

Sa pagtugtog ng gitara ko,
Sa pagbuka ng mga labi mo,
Tunog ng musika'y kasabay nito-
Kasabay ng ningning ng tala rito.

Kasing ganda mo ang buwan,
Na sa langit ay unang mamamasdan,
Dahil napakakaakit-akit ang kagandahan,
At liwanag ay napakasarap masilayan.

Kung ako lamang ay ang maliwanag na araw,
'Di magdadalawang isip na ikaw ay liwanagan,
'Di tatangging ikaw ay sa kaulapa'y samahan,
Dahil para sa akin ay ikaw ang aking buwan.

Buwan na sa aking damdami'y nagpapagaan,
Buwan na kahit sa langit lang mamasdan,
Basta isang kita ko lamang ay mapapangiti na,
Dahil sa para sa akin ikaw ay kasiyahan na.

-ysaqueens "Buwan"
dedicated to: Writer_Lhey

Tiaras [Poetries]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz