EWTUG 04

2.7K 81 2
                                    

CHAPTER 04

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

PAGKATAPOS naming bumili nang fishball at kwek kwek ay agad din naman kaming kumain sa malapit na Restaurant dito sa Airport na pinuntahan namin. Where now in my Condominium, nakauwi na din si mang Nestor pagkatapos nya kaming ihatid dito sa condo building namen.

At ngayon balak kung tawagan si mum about dito sa lalaking guest namen. Hindi ako comportable dito sa condo ko kung may lalaking titira dito.


Si mum narin mismo nagsabi after kung lumipat dito, she told me na bawal ang ang lalaki dito sa Condo ko. Tapos ngayon dito nya papatirahin yung Guest *slash* Fiancé ko daw kuno.

Kahit walang sabihin tung super cold na lalaking to na fiancé ko sya... Sa pangalan pa lang ay halata at alam ko ng sya ang tinutukoy ni mum na fiancé ko. Di naman toh dito ipapadala ni mum at papatirahin sa Condo ko kung isang guest lang to para kay mum, for God sake lalaki toh.

They always controlling me! Hindi ako na inform na pinalaki pala ako para gawing Robot nila mum and dad. I always do my best para naman kahit papano maging proud sila sa akin pero pakiramdam ko Robot ako na kailangan Controlin ng kanilang mga magulang.


After a few minutes of waiting ay narinig ko na ang boses ni mum sa kabilang linya ng telephono.

( Hello sweetie.)

"Mum, bakit hindi mo sinabi sa akin na lalaki pala yung guest na susunduin... Sa iyo na mismo nanggaling 'No boys allowed to my Condo' tas ngayon dito mo pa sya papatirahin" may bahid ng pagkairitang sabi ko kay mum.

( Sweetie... Ngayon lang naman. Promise pag nakahanap na sya ng pweding tirahan na Condo, lilipat na agad sya) anito sa akin.

"Mum he looks rich kaya alam kung makakahanap sya kaagad ng natitirahan nya dito."

(Sweetie, I know kilala mo na sya ngayon... Pero please kahit ngayon lang. Sayo ko sya pinagkakatiwala dahil ikaw yung mas may alam sa lugar natin dyan sa pilipinas. Wala pa syang alam sa lugar natin at baka maligaw sya kapag hinayaan mo sya. And chance mo na rin yan na kilalanin sya malay mo mahu---)

"Mum" putol ko sa sasabihin nya sa akin at baka kung ano pa yung masabi nya dito na hindi kailan man mangyayari. "Okay, sa ngayon lNg ito mum pag nakahanap na sya ng matitirahan nyang condo ay aalis na sya dito" anito ko dito. Kahit naman anong pagtatalong gagawin ko si mum parin ang mananalo.

(Good sweetie, take care of him. I'll drop the call now... Bye.)

"Okay p---"

TooT tooT

'po bye'

Bagsak balikat kung binaba yung phone ko. Haha antanga ko, bat naman kasi ako nag paalam pa haha. Nakakatawa ka Heather kung may nakarinig nun talagang bibigyan ka nila ng pinaka malakas na halakhak with palakpak pa yan... Galing.

Ano naman aasahan mo after mung mag sabi ng bye ay sasabihan ka ng iyong ina na 'mag ingat ka dyan' Hahaha nakakatawa ka talGa hanggang ngayon iniisip mo parin yan. Para ipaalala ko sayo never silang magkicare sayo.

Sa subrang walang care nila sayo handa silang ibigay ka kahit kanino. Ipakasal na parang namigay lang ng lumang pera sa mga polubi.


Mapait akong ngumiti at lumabas sa kwarto. Wag ka ng umasang importante ka sa kanila.

Engage With the Unknown Guy (FIANCÉ SERIES 01)Where stories live. Discover now