† UNO †

302 6 0
                                    

†.....†


Time check: 6:05 pm

Inaayos ko na ngayon Ang mga gamit kong dadalhin sa bago Kong condo unit. Nakikitira lng Kasi ako dito sa bahay ng tiyahin at pinsan ko. Dito na ako tumira sa kanila simula ng mamatay Ang mga magulang ko sa isang Car Accident. I was just 13 years old that time and now, I'm 20 years old.



Maayos Naman Ang trato sa akin ni tiya Ising at pinsan Kong si Amirah. Itinuring akong parang tunay na anak ni tiya Ising at para namang tunay na kapatid ni Amirah. Ngayon lng ako lilipat ng bahay at magsasarili dahil may trabaho na ako.


"Pangako po tiya, kahit nakabukod na ako ng bahay sa inyo, tutulungan ko parin po kayo.." sabi ko Kay tiya na halos naluluha na.

"Mamimiss ka namin anak.." at tuluyan na ngang tumulo Ang luha ni tiya. Niyakap ko sya at ganun din si Amirah.

"Ok lng ako. Bibisita parin ako dito at tutulong sa inyo kahit nakabukod na ako ng bahay..." Malapit lng kasi sa kumpanyang pinapasukan ko Ang bagong condo na tutuluyan ko.

"Mag - iingat ka dun ate Shein..." Nakangiti ngunit may bahid na lungkot na saad sa akin ni Amirah. She's just 18 years old.



Inilagay ko na lahat ng gamit ko sa compartment ng kotse. Bago ako pumasok sa kotse ay tumingin Muna ako sa bahay at saka niyakap sila tiya Ising at Amirah. Nagpaalam ako sa kanila at sumakay na ako ng kotse saka Ito pinatakbo upang tahakin Ang daan patungo sa aking bagong Condo.


Maayos Naman Ang naging byahe ko kahit medyo nakakapagod. Pasado alas-otso na ako nakarating sa condo ko dahil nga malayo. Ito Ang dahilan Kung bakit ako nagdesisyon na kumuha ng condo malapit sa pinapasukan ko dahil masyadong malayo. Hassle pa sa pagmamaneho Kasi traffic sa Umaga.


Katulong ko ngayon sa pagbababa ng mga gamit ko Ang gwardya ng condominium na ito. Nasa ikalawang palapag lng Naman Ang unit ko Kaya mabilis lng.

"Salamat po kuya, Ito po one hundred pang meryenda nyo po.." inabutan ko si manong guard ng 100 pesos pang kape nya man lng.

"Naku, Ineng... Wag na nakakahiya Naman.." sabay iling ni manong guard.

"Hindi po kuya... Tanggapin nyo po Ito, sige na po... Magtatampo ako sa inyo Nyan.." banta ko Kay kuya guard para Naman tanggapin nya.

"Sige na nga... Salamat hija..." Wala na syang nagawa kundi Ang tanggapin Ang binibigay Kong 100 pesos.



Ngumiti lng ako Kay manong guard at saka ako dumiretso sa kotse ko para dalhin ito sa Car Park ng Condominium Building. Nang makapasok na ako sa Car Park ay medyo madilim. Nakikita ko Naman Yung ibang kotse pero dim Kasi Yung light Kaya medyo malabo.



Naglibot pa ako sa Car Park bago ako nakahanap ng free spot para sa kotse ko. Agad Kong iginarahe Ang kotse ko sa spot na nahanap ko. Nung Alam Kong ayos na ay saka ako lumabas at nilock Ang kotse ko. Medyo kinilabutan ako ng bumaba ako sa kotse dahil na nga din Yung lights dito.



Napayakap na lng ako sa sarili ko para maiwasan Ang pagtayo ng mga balahibo sa braso ko. Agad akong naglakad pabalik sa condo unit ko pero napatigil agad ako ng maramdaman Kong may nakatingin sa akin sa bandang Kanan ko.



Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng Car Park ng maramdaman ko ito. Nakatigil lng ako dito dahil namamayani parin sakin Ang takot. Dahan-dahan Kong nilingon Ang bandang Kanan ko para tingnan Kung may tao pero Wala akong nakita. Inilibot ko Ang Mata ko sa buong paligid ko pero walang tao.



Lalong lumala Ang kaba at takot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko may mga matang nakatingin sakin at binabantayan Ang bawat kilos ko. Nag-umpisa na akong maglakad ngunit nakikiramdam parin ako sa paligid ko.



Nakayakap parin ako sa sarili ko habang naglalakad. Malapit na akong makalabas ng mapatigil ulit ako ng maramdamang may nakatingin sakin sa kaliwa ko. Agad Kong tiningnan ngunit Wala akong nakita. Napalunok ako ng dalawang beses at saka ako kumaripas ng Takbo.



Hinihingal ako sa pagod ng tumapat ako sa guard house. Medyo malayo kasi Ang Car Park ng Condominium na ito pero di Naman ganun kalayo. Hindi ko lang Alam Kung bakit hinihingal ako. Siguro dahil sa takot at pagtakbo ko.



Mabilis Ang naging galaw ko. Agad akong umakyat sa second floor at dumiretso sa condo unit ko. Pagpasok ko ay agad ko itong nilock. Agad akong uminom ng tubig. Sobrang bilis na tibok ng puso ko. After a minute ay kumalma na rin ako.



Tinitigan ko Ang kabuuan ng condo ko. Makalat pa dahil kalilipat ko lng. Bukas na lng ako mag-aayos dito pagkatapos ng trabaho ko Kasi half day lng naman Ang pasok ko bukas.



Whoever or whatever that creature na nagpatayo ng balahibo ko at nagpausbong ng takot sa puso ko, sana hindi na 'to maulit Kasi aatakihin ako sa puso...





___________________________________________________________________________________________________

itutuloy...












Hello again mga readers ko Sana ay suportahan nyo Ito kagaya ng pagsuporta nyo sa HIS PERFECT OBSESSION 🥰♥️ I'm rooting for your support guys mwahhh labyahh🥰♥️



KEEP VOTING, READING, AND COMMENTING GUYS THANK YOUUUUU AND KEEP SAFE 🥰♥️

The Obssesed StalkerWhere stories live. Discover now