1

49 4 3
                                    

.........

Mahinhin ang paglalakad ni Athena sa highway. Tinitignan niya nang maigi ang bracelet na bigay sa kanya nang kanyang Ate Aphrodite na ngayon ay nagluluksa sa pag-ibig. 

Ibig niya sanang bumili nang pagkaing matamis para dito. Nais niyang maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman nito.

Sa kanyang paglalakad ay di niya napansin ang paparating na kotse. Mamuntikan pa siya nitong mabangga, mabuti na lang at nakapreno.

“Hoy, ala kung ikaw na bata ka gustong mamatay, huwag mo akong idamay!”

“S-Sorry po Manong.”

Siniringan lang naman siya nang lalake at nagpatuloy na ito sa pag dridrive.

Lumilipad na naman ang kanyang utak. Sana talaga may magagawa ako para kay Ate. Buong buhay niya, lagi na lang kami at kami ang inaalala niya.

Gustuhin ko man na magtrabaho din sa may manila pero hindi naman pwede dahil nasa last year na ako nang pag aarchitect.

Alam ko na, kapag ka graduate ko, mag tratrabaho muna ako bilang isang sekretarya. Pagkatapos, siyaka ko na aasikasuhin ang pag aarchitect ko kapag may madami na akong experience.

Sana, hindi pa huli ang lahat para makatulong ako. Kaka- matay lang din ni Itay sa isang aksidente.

Naging dahilan iyon para lalo pang masaktan emosyonal si Ate Aphrodite. Sa amin kasing lahat siya ang pinaka malapit kay Itay.

Sana lang maintindihan siya nang nobyo niya kung bakit wala pang sapat na oras si Ate Aphrodite na mailaan sa kanya, sa relasyon nilang dalawa. Sa pag kakaalam ko kasi may tampuhan sa pagitan nila.

Awang awa na ako kay Ate Aphrodite. Pero wala naman akong ibang ginawa kundi ang pag masdan siyang umiyak at humagulhol.

Pakiramdam ko tuloy napaka wala kong silbi.

Gusto ko sana sila na hanggang dulo. Nang minsan kasi itong magpunta sa bahay ay napansin ko na agad ang ugali nito. Napakabait niya.

Bukod doon sobra ding lambing, lalo na kay Ate Aphrodite. Sana magawan ko talaga nang paraan kahit man lang para sa relasyon nila. Paano kaya kung pagbatiin ko sila. Pero paaano? Hindi naman ako ganoon kalapit sa nobyo ni Ate Aphrodite at sobrang mahiyain ko.

Paano kung sigawan niya ako? Bigla tuloy ay natakot ako dahil sa naisip ko. Minsan talaga ang sakit ispelingin ang utak ko. Lalo na nang ugali ko, minsan malakas ang loob ko, pero mas madalas ang pagiging mahiyain ko. Nakakairita kapag ganoon ang ugali ko. Kasi hindi ko magawa nang malaya ang gusto ko.

Ate Aphrodite, sana talaga magustuhan mo ang bibilhin kong  Black Forest Cake.

Wala naman siguro na masama doon, hindi ba?

Sana huwag akong kagalitan ni Ate dahil imbis itabi ay ibinili ko pa siya nang Cake na pwepwede naman niyang ihiling sa nobyo niya na taga siyudad.

Ang mga nakakaakit na labi niya, iyon ang laging sinasabi ni Ate Aphrodite sa akin na dapat ay mahanap ko sa lalakeng papakasalan ko balang araw.

Ano naman kasing meron sa labi, biro pa nga ni Inay dati eh bakit hindi ko na kang daw ipakilala ang sarili ko sa kapatid non. Ang tinutukoy ni Inay ay ang nobyo ni Ate Aphrodite.

Ang sabi naman ni Ate ay wala daw itong kapatid at siyaka masyado daw akong mahiyain para maipakilala ang sarili ko. Sumang-ayun naman ako kay Ate Aphrodite. Sobra kasi talaga ang pagiging mahiyain ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rivera Cousin's Series #2 : Rino Ghin Lexielle Rivera Where stories live. Discover now