Chapter 2

8 0 0
                                    

Flashback 

'papa 'pag po ba ako nag graduate katulad ni ate ayel nandon ka rin po ba sa graduation ko?'  tanong ko sa aking ama

'oo naman anak hindi ko hahayaan na wala ako sa graduation ng bunso kong babae noh mahal ka ni papa okay'  Sabi sakin ni papa

'mahal din kita pa aasahan ko 'yon ahh'  Sabi ko at niyakap si papa

*End of flashback

Nasa Cr ako at umiiyak dahil sa nakita ko.

Nandoon nga siya sa graduation ko pero para sa ibang anak naman hahaha

Lumabas na ako ng cr kase hinihintay na ako ng fam at friends ko sa may gate ng hindi ko inaasahan na makakasalubong ko si papa kasama ang anak niya. Tumingin ako sa kanya ng malungkot pero agad ko itong binawi at pinakita sa kanya na wala akong pake at nilagpasan lang siya pero sa totoo ang sakit. Narinig ko pa ang usapan nila

"Alam mo anak kahit hindi ka pa honors proud kami sayo, mahal ka ni papa" Sabi ng sarili kong tatay sa iba nyang anak, puta ang sakit

Napatigil ako sa pag lalakad at napatingin sa kanila kita ko ang saya sa mukha ng anak niya tinignan ko si papa na nakatingin sakin pero binaliwala ko na lang at naglakad na paalis.

"Anak mauna ka na muna may nakalimutan yata ako, susunod din ako" Sabi ni papa sa anak niya na naririnig ko pa kase medyo malapit pa ako sa kanila

"Sige po pa" Sabi ng anak niya at umalis na hindi ko na lang ulit sila pinansin dahil mas lalo lang akong masasaktan.

Naglalakad ako ng may humila sakin at Nakita kong si papa 'yon kaya napakunot ang noo ko

"Bakit?" malamig kong tanong ko sa kanya kaya napatigil sya

"Angel anak, i'm so proud of you" Sabi nya at pinakita ko lang na wala akong pake

"Wag kayo sa'kin maging proud doon kayo sa anak ninyo" walang emosyon kong sabi sa kanya at nagtangkang maglalakad ng magsalita sya

"Alam kong nasaktan kita noon kaya gusto kong humingi ng tawad sa iyo anak" Sabi niya sakin kaya hinarap ko siya

"Pa sa tingin mo ba noon mo lang ako nasaktan? Pa araw araw mo po akong nasasaktan kahit wala kang ginagawa ,ayun nga 'yung masakit eh wala ka man lang ginagawa. Pa ang sakit sakit 'pag naaalala ko 'yung mga ginawa mo!" umiiyak kong sigaw sa kanya. Nakita ko 'yung pamilya niya sa likod pero 'di ko sila pinansin. Napansin ko rin na nasa gilid ko na pala si jb, nandito pala silang lahat

"Pa bata pa lang ako nun pero nasasaktan na ako, pa nawalan ako ng gana kumain nun kase nalaman ko na ang paborito ko palang ama ay nagloko. Pa!!!! Ang sakit sakit sakit "umiiyak ko pa ring sabi habang tinuturo ko yung puso ko

"Hanggang ngayon mas nasasaktan ako pa, mas nasasaktan ako kase yung pinangako mo sa'kin nung bata ako na nandito ka sa araw graduation ko ay sa iba mo ginagawa imbes na saakin pa, hindi 'ata enough yung salitang sorry para mawala yung sakit na nararamdaman ko" Nakita ko si papa na umiiyak na rin

"Lumaki kaming magkakapatid na walang tatay samantalang sila lumaki na kasama ka"Sabi ko habang nakaturo sa bago niyang pamilya

"Pa naiinggit ako sa mga classmates ko na kasama nila yumg papa nila 'pag may okasyon, ako kase wala akong papa kinalimutan na ako ng papa ko, hindi ako mahal ng papa ko, niloko ako ng papa ko" umiiyak kong nilabas ang hinanakit ko sa kaniya

"Anak hindi 'yon totoo, mahal kita mahal ka ni papa" Sabi nya sakin habang umiiyak at sinusubukang hawakan ako ngunit umiiwas ako

"PA KUNG MAHAL MO 'KO HINDI MO GAGAWIN 'YON SAAMIN. 'DI MO KAMI IPAGPAPALIT, DAHIL KUNG MAHAL MO 'KO HINDI MO HAHAYAANG LUMAKI KAMI NA WALANG TATAY" Galit kong sigaw sa kaniya at napa upo na sa sahig

"Tama na 'yan Ashton, umalis na kayo" Sabi ni mama kay papa habang inaaalalayan ako

"Pero-" tututol pa sana siya ng magsalita si ate

"Hindi ka na namin kailangan, lumaki na kami ng wala ka, kaya kaya na namin ang sarili namin." Malamig na ani ni ate Ayel kay papa

"Tatay niyo pa rin ako" Sabi ni papa kay ate pero natawa si ate

" Sa papel at dugo oo pero sa turing namin sa'yo hindi!" Sabi nya at umalis na kami roon

Muli ko pang nilingon si papa pero nakita ko na siyang kayakap ang mga anak niya

"Tama na gel, 'wag ka na tumingin doon 'wag mo na saktan ang sarili mo" Sabi sa'kin ni kuya jan kaya yumuko na lang ako.

Graduation day are suppose to be a happy but why so hard to be happy.

Nakauwi na kami sa bahay at tuloy pa rin yung celebration nila, nila oo hindi na ako sumama kase dinahilan ko na pagod ako.

Nagmumuni muni lang ako sa kwarto ko ng may kumatok

" Pasok" sigaw ko para marinig niya at nakita ko si Jb ang pumasok sa kwarto

"Hi 'musta ka?" Nakangiting tanong niya sakin kaya nginitian ko siya pabalik. Simula nung bata pa lang kami ay hilig na niya akong kamustahin kaya hindi ko makakaila na magaan ang loob ko sa kanya

"Hahaha ok lang" pagsisinungaling ko sa kanya pero syempre siya si Jb hindi siya maniniwala

"Gell, kilala na kita pati nga laman, atay at bituka mo kilala ko na kaya sa'kin ka pa ba magsisinungaling" napatawa ako sa sinabi niya

"Oa ka, oo na kilala mo na talaga ako noe" natatawa kong sabi sa kanya

"So musta nga?" Tanong niya ulit sa'kin kaya napabuntong hininga ako 

"Heto masakit pa rin,  araw araw naman yata akong nasasaktan" kwento ko sa kanya at nagsalita ulit pero nakikinig lang sya

"Jb deserve ko ba 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon?" tanong ko sa kanya

"Alam mo gel bilib nga ako sayo eh, bilib ako kase ang tapang mo pero sa kabila ng tapang mo ay meron kang kahinaan at saksi ako doon saksi ako kung ano ang kahinaan at kalakasan mo at kung yung basic na problema at sakit nga ay nakayanan mo alam kong makakayanan mo rin 'to" nakangiting sabi niya sa'kin at ginulo ang buhok ko

"Ang kailangan mo lang gawin ay 'wag sumuko dahil di gawain ng isang Angel Telas ang sumuko, kapag sumuko ka talo ka kaya magpahinga ka lang kung napapagod ka na nandito lang naman kami para damayan ka. Hihintayin namin na maging okay ka ta's lalaban na ulit tayo ng sabay sabay. Mahal ka namin, maraming nagmamahal sa''yo kaya 'wag ka magpaapekto sa mga problema mo"Sabi nya sa'kin habang nakangiti

"'Lika nga dito ihahug ko ang Angel ko" Sabi niya at niyakap ako naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ulo ko

"Nandito lang kami always for you my angel" Sabi niya sa'kin kaya napangiti ako. I'm lucky to have them in my life they never fail to protect me

"Thankyouu jeybsss iloveyoutoo" Sabi ko sa kanya, ganyan na kaming mag bestfriend na aaylabyuhan

'oopss pasali'
'oy sali kami'
'ang daya pasali nga'

sari sarili nilang sabi at nagyakapan na kaming lahat. I'm lucky to have them in my life  wala man si papa nandyan naman sila para sa akin



A/N

-expect some grammatically error, and typings error and cliche because i'm not good as you think.

i'm already expecting na no one will read this but if you read this THANKYOU SO MUCH

No copying; plagiarism is a crime.

ForgivenessWhere stories live. Discover now