Part 2
I kept on investigating the gun that used to kill my parents. Lumabas sa investigation na anim na beses pumutok ang baril, maging bala na bumaon sa mga magulang ko and Darius’ fingerprints were there.
I am so mad. I am so mad for everything he has done, to the point that I forgot everything about our friendship—that stupid friendship.
“You will pay for it,” may diin sa salita ko.
Wala na akong pakialam kung may masaktan ako. Isa lang ang gusto ko mangyari. Gusto kong magdusa rin siya, hindi man katulad ng sa akin pero alam kong masasaktan at magdududa siya.
I know everything about Lara. It was her damn crush turned girlfriend. Hindi ko alam kung paano sila nagkilala pero isa lang ang alam ko, mahalaga si Lara sa kaniya.
I used her. I blackmailed her. As I heard right now, nalaman na ni Darius na palagi kaming nagkikita dalawa.
“Tigilan mo na ako, Nix. Hindi kasalanan ni Darius ‘yon! Kaibigan ka niya at tingin mo ba magagawa niya ‘yon sa ‘yo—sa parents mo?” She looked at me with her tired eyes. “Kaibigan mo si Darius, ‘di ba?”
I crossed my arms. “Yeah, he actually already did it,” walang pakialam kong sagot. “And no, it grossed me hearing that he is my friend,” I said with full disgust. “And last, no again, hindi kita titigilan. I want your boyfriend to suffer like how I am suffering right now.”
“A-At bakit ako ang ginagamit mo?” She suddenly cried.
Tumingin ako sa sasakyang binabaan niya kanina, may nakita akong babaeng nakaupo sa shotgun seat, nakapatong ang dalawang paa sa harap.
“S-Sira na kami dahil sa ‘yo…” she sobbed.
“Yeah, like I care?” I shrugged. “Mabuti nga, nagkikita lang tayo, we are not kissing or even hugging each other. He should be thankful.”
“Wala nang mas gagago pa sa katulad mo, Nix.” Dinuro niya ako, panay pa rin ang iyak. “Ni wala kang ebidensya na siya nga talaga ang gumawa no—”
“He caused it! His fingerprints were there! Do I have to give you a fucking copies?!” I roared. “Siya ang dahilan kung bakit ako nawalan ng magulang. Siya ang may dahilan.” I glared.
“Nasasaktan ko siya nang walang sapat na d-dahilan dahil lang dito…” She cried more.
I don’t care if she cries. Hindi ko pinansin ang pag-iyak niya, she was begging me just to stop blackmailing her.
Tumingin ako sa kaniya bago binaling ang tingin sa babaeng bumaba ng sasakyan. I can’t see her face, nakatalikod siya sa akin. Nabigla pa ako dahil sa bigla niyang pag-sigaw.
“Lara, si Darius naaksidente!” Sumigaw ulit ang babae. “Putangina, kahit bwisit ako rito, kapatid ko ‘to!”
Ang lutong magmura ng babaeng ‘to. But, wait… kapatid?
“W-What? Okay, then, tara na!” Dali-daling umalis si Lara sa harap ko para pumunta sa sasakyan.
Naiwan akong mag-isa habang iniisip ang babaeng kasama niya. Balak ko sanang sundan ang sasakyan kaso napatigil ako nang makitang may sumusunod na itim na sasakyan sa kanila.
YOU ARE READING
TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Completed)
Teen FictionShe's the girl that I want to spend my life with. She's the one who's making me damn crazy. She's Darlene Michelle Miranda. Currently editing. :)