Chapter 1

52 5 1
                                    

*Kristein Dionne Dalton PoV*

~*~


"Ms. Dalton, mukhang wala nang paaralan ang tatanggap pa sayo sa dami ng 'yong offenses." mapanghusgang saad ng guro sa harapan ko habang pinipirmahan ang mga papel sa ibabaw ng kan'yang lamesa. Kung pabiro sana ang kaniyang tono, ngingitian ko pa siya, pero hindi.

I just leaned back in my seat and rolled my eyes dahil sa pagkairita ko.

I don't care if she sees it, I don't even know her. Ang alam ko lang isa siyang guro, guro na walang paki alam sa saloobin at nararamdaman ng estudyante niya.

Noong ako ang nagsalita wala naman siyang pinakinggan. Panay mapanghusgang salita at tingin lang ang natanggap ko.

Edi quits quits lang

"here you go" wika niya muli 'tsaka inabot sa 'kin ang isang folder.

"Makakaalis ka na and" huminto siya saglit 'tsaka ako tinignan mula ulo hangang paa "good luck" she continued with a smirk on her lips. She's insulting me in the tone of her voice.

She seemed happy that I would disappear from her sight.

I tsked

Kinuha ko ang folder mula sa kamay niya at 'tsaka lumabas ng faculty room dala ang bag.

I wear my usual poker face, walang paki alam sa mundo.

"Buti at natanggal na 'yan"

"Hindi pa nakakalahati ang sem 'di ba?"

"Oo nga"

"sayang"

"awww"

Rinig kong bulungan ng mga nadadaanan kong estudyante, but that's not a whisper. They're really trying to say it out loud.

Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy sa paglalakad. I didn't change my reaction, the plain and bored look.

Why would I even pay attention to them? They're all a bunch of judgmental and wasteful creatures.

This school was no different from the schools I went too before.

They judge me without even understanding or listening to my explanation. Nakakapagod na din ang mag-explain dahil alam ko naman na walang maniniwala. Sa halip na paniwalaan nila ako, mas lalo lang nila akong dino-down. So why bother paying attention?

I was heading down the corridor when I noticed two males. Ang isa'y inaalalayan ang kaibigan at ang isa naman ay hirap na maglakad habang nakatingin sa lapag.

Serves him right

He was injured in his right leg, and he was using a crutch dahil naka brace pa ito, halata din ang pasa sa kaniyang labi at mata.

I stopped walking at walang emosyong tumingin sa direksyon nila.

He looked awful

Nang mapansin nila ang presensya ko ay pareho silang napahinto. Halata mo ang gulat sa ekspresyon ng mga mukha nila pero nakuha paring ngumisi nitong lalaking nakasaklay.

"Buti naman at naisipan nilang patawan ka ng expulsion" mayabang na pananalita ng lalaki

Pinilit pa niyang tumayo ng maayos at tinanggal ang pagkaka-alalay ng kaniyang kaibigan.

Napabuga na lang ako ng hininga sa kayabangan ng taong 'to.

"Mabuti 'yan at hindi na kita makikita ulit" dagdag pa nito at nakipag-apir pa siya sa kaniyang kasama habang nakangisi pareho.

Aranda HighOnde as histórias ganham vida. Descobre agora