CHAPTER 6 - Lie

555K 15.5K 1.8K
                                    

CHAPTER 6 — Lie

HE LIED. That necklace wasn't a dream catcher. Ang kuwentas na iyon ay isa sa mga vampire heirloom na pag-aari ng pamilya niya. It can tamper the sweet smell of Virgo's blood from spreading into the air. Ibinigay iyon ng ama sa kanya dahil ayaw nitong humalagpos ang pagtitimpi niya na hindi sakmalin bigla ang leeg ni Virgo.

His family is one of the most feared and respected in the vampire community. His father would do anything to keep it that way. Naiintindihan naman niya ang ama. He was once feared and respected, hanggang sa mangyari ang gabing 'yon. Ang gabi na bumago sa kanya.

"Lucien, kakain ka ba ng lunch?" Narinig niyang tanong ni Virgo ng pumasok ito sa opisina niya habang siya ay abala sa harap ng laptop niya.

Nasisiyahan siya dahil wala nang 'Sir' na nakakabit sa pangalan niya. At wala na ring 'ho' at 'po'. I think our relationship is improving.

"Hindi ako nagugutom." Aniya. I'm thirsty though.

Kumakain lang siya kapag gabi at kasalo ang pamilya niya. It is not a must for them to eat, hangga't nakakainom sila ng dugo, ayos na sila. Eating human food is like a luxury. Not really a need.

"Ganoon ba," may paghihinayang sa boses nito. "Sige. Ako nalang ang kakain no'n."

Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang bagsak ang balikat ni Virgo habang naglalakad patungo sa pinto.

"Bakit nanghihinayang ka?" Hindi niya mapigilang tanong sa dalaga na kaagad na humarap sa kanya.

"Ano?" Malalaki ang mga mata nito. She looks shock that he knew what she is feeling.

He does that to people. Minsan kasi napaka-normal na sa kaniya na pakiramdaman ang mga tao na nasa paligid niya at itanong sa mga ito kung bakit nito nararamdaman ang emosyon na 'yon.

"Sabi ko 'bakit ka nanghihinayang'?" Ulit niya.

"Ahm," kinagat nito ang pang-ibabang labi na parang nahihiya. "Kasi, ano e, ahm, i cooked a caldereta for you. Pasasalamat ko sa binigay mong kuwentas nuong isang araw.

That made him smile. Kaya pala ito nanghihinayang nang sabihin niyang busog siya dahil pinagluto siya nito. He feels like an asshole.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad palapit dito.

Napapangiti si Lucien dahil hindi na ito nakakaramdam ng pagkailang sa kanya. At natutuwa siya na nakakausap na niya ito na hindi niya kailangan pang pigilan ang paghinga niya.

Virgo looked up at him and her eyes captivated him. Again. Gustong-gusto niyang tanggalin ang eyeglass na suot nito para makita ang kagandahang taglay nito na pilit nitong tinatago.

"Lucien..." sambit nito sa pangalan niya habang nakatingin sa mga mata niya.

Lucien can feel it. The desire in her eyes. Nararamdaman niya ang atraksiyon na nararamdaman nito para sa kanya. But that's not what he wants. He wants more than attraction from Virgo. Iba ang gusto niyang makuha mula rito.

"Hindi naman ako ganoon kagutom. Medyo lang." Aniya habang unti-unting bumababa ang bibig niya sa leeg nito. "Puwede naman sigurong tikman ko," one inch and his fangs would be touching Virgo's neck.

Nagwawala na ang lahat ng parte ng katawan niya. Gusto niyang ibaon ang mga pangil sa leeg nito, pero hindi niya ginawa.

Tumayo siya ng tuwid at ngumiti sa dalaga na pigil ang hininga. "Sabay tayong kumain. Dalhin mo rito ang niluto mo. I want to taste it."

Umaliwalas ang mukha ni Virgo at parang nawala lahat ng suliranin niya dahil sa kasayahan nakapinta sa mukha nito dahil lang sa pumayag siyang kainin ang luto nito.

Favorite Obsession Where stories live. Discover now