99

2.3K 64 5
                                    

i feel like this chapter is kinda cringey for some reason HAKSNSJK i'm not really confident with my writing so you can skip to the end if you want :)

——————————————————




Inhale. Exhale.

Paulit-ulit ko itong ginawa habang naglalakad papuntang parking lot. Paano ko ba sasabihin na sinasagot ko na siya? Fuck. Ilang taon na kaming magkasama pero bakit nababahag ang buntot ko ngayon!

Casual lang ba? Dapat ba sweet? Ang cringe naman kung sweet. Kaso baka naman isipin niya hindi ako sincere kung basta-basta ko na lang sasabihin na sige, boyfriend na kita.

Napaitlag ako nang biglang tumunog ang phone ko. Tres was calling.

"Ang kulit mo ah. Sabing sa parking lot nga!" salubong ko nang sagutin ko ang tawag.

"I'm already here. Nasaan ka na?"

"Malapit na."

"Exactly where?" I heard a twinge of panic in his voice.

Guilt spread across my body the moment I spotted him standing in front of his Ranger, looking stressed.

"On your left," I said. He immediately turned to his left, bringing down his phone then sighed in relief.

Mabilis niya akong tinungo at yayakapin sana kaso tinaasan ko siya ng kilay. Realizing what he was about to do, he stopped himself.

"Where did you go? I was trying to find you the whole day..." he started.

I nodded regretfully. "Sorry. That was so impulsive of me. Hinanap mo ako buong araw?"

Inabot ko ang iilang hibla ng buhok niyang nakabagsak, marahil ay dahil sa paghahanap. Inayos ko ito habang siya naman ay nakatitig lang sa'kin. When I was about to pulled it back, he held it and let it rest on his cheek.

"Sorry. You're probably mad because of Rhea. But I swear to gods, Faus, hindi ko alam na nandoon din siya. Hindi ko rin naman siya gusto kausapin kaso hindi ko alam paano siya papatigilin."

"I know. I know. Pasok tayo sa kotse mo–"

"Jesus, you're making fucking nervous. Bakit tayo papasok do'n?" reklamo niya.

I scoffed a laugh. "Bakit ka kinakabahan? Hindi naman tayo nakapag Starbucks pero kabado ka?"

It made him stress even more. Iniisip ko pa lang ang mga tumatakbo sa isip niya ngayon ay nahihilo na ako. Ano bang akala niya? Babastedin ko siya? And who would pass on this guy? He's near perfect.

Allison was right when she said Tres changed. I witnessed and have experienced it firsthand. Sobrang considerate niya sa akin. He would always think about me first before he does anything. Laging kailangan ayos sa akin o sa opinyon ko. I don't know if that's a good thing. Although we talked about it many times, ganoon pa rin siya.

Sometimes I feel like I'm always holding him back. He assured me that I don't, but still.

"Faus..." he called slowly while we were sitting inside his car. Nagpapalamig. "Baby, I'm about to shit in my pants if you keep your silence."

AcquaintedWhere stories live. Discover now