Drexter's POV

99 2 0
                                    


"Drex, nag-aaya sila Marco mag bike, sama ka?" Tanong ni Mike.

"Ayoko, wala ako sa mood mag bike." Sagot ko naman.

"Na naman? Noong nakaraan ka pa wala sa mood ah?" Ani naman ni Mark.

"Wala na siguro 'yong nagpapangiti sa 'yo 'no?" Pang-aasar sa akin ni Mike. Tinignan ko lang siya at hindi na pinansin.

He's right, hindi na kami nag- uusap ni Ava simula noong umamin siya sa akin. Noong time na 'yon sobrang saya ko dahil gusto niya rin ako. Hindi ko siya na replyan noon kasi biglang namatay 'yong cellphone dahil lowbat at saktong walang kuryente no'n.

"Sabi na eh, kay Maika ka nalang kasi," ani Mike saka mahinang binunggo ang balikat ko.

"Alam naman natin na wala nang pag-asa si Maika kay Drex eh," saad naman ni Mark.

"Kailan mo ba kasi ipapakilala sa amin 'yon?" Tanong ni Mike.

"Paano ko ipapakilala eh naka deact na nga 'yong account niya." Sagot ko.

"Eh 'di ba alam mo naman 'yong mukha? Edi puntahan mo nalang," ani Mark, binatukan naman siya ni Mike.

"Tanga! Papaano niya pupuntahan eh hindi naman niya alam kung saan 'yon sa Mangatarem nakatira." Ani Mike.

"At hindi ko rin alam kung anong totoong pangalan niya." Gatong ko.

"Punta ulit tayong Mangatarem sa Sabado malay mo makita mo siya roon 'di ba?" Ani Mark.

"Tsaka kapag nakita mo siya 'wag ka nang mag sayang ng oras na lapitan siya at magpakilala." Gatong naman ni Mike.

"Pag-iisipan ko pa, doon na kayo may gagawin pa ako eh panggulo kayo." Taboy ko sa kanila.

Kamot ulo naman silang umalis ng bahay. Sasama ba ako? Sana nga nandoon siya, pero paano kapag wala? Edi nasayang oras ko.

"Hay putcha! Bahala na nga." Inis kong ginulo ang buhok ko.

---

"Ano Drex? Sama ka?" Tanong ni Marco, tumango naman ako.

"Yowwnn! Alam mo ba pinagdasal ko kagabi na sana makita mo ro'n si Ava mo." Taas noong saad ni Mark.

"Ay wow, alam mo pala mag dasal?" Pangbabara naman ni Mike.

"Tarantado! Ano akala mo sa akin demonyo? Oo, palamura ako pero maka Diyos 'to." Pareho nalang kaming napa iling ni Marco.

"Iwan na nga natin 'yang dalawang 'yan, bwisit eh." Saad ni Marco at nauna nang umalis.

Sinulyapan ko pa muna nang isang beses 'yong dalawa bago mag simulang magpadyak.

Ilang oras ang binike namin bago marating ang daang kalikasan.

"Gagi Drex ang daming tao paano mo siya mahahanap niyan?" Tanong ni Marco habang lumilinga-linga sa paligid.

"Tutulungan niyo naman akong maghanap 'di ba?" Ani ko, napatingin naman siya sa akin.

"Oo naman, pero bago 'yon hintayin muna natin 'yong dalawang bugok." Tumango nalang ako at inaya siyang maupo muna sa may lilim.

Ilang minuto ang lumipas bago makarating 'yong dalawa.

"Tangina niyong dalawa, fake friends!" Ungot ni Mike.

"Paanong hindi namin kayo iiwan eh puro kayo away," ani Marco.

"Eh wala wala, fake friends kayo." Sabi naman ni Mark.

I Met Him In Rpw || An Epistolary Where stories live. Discover now