Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours [47] <3

189K 1.7K 217
                                    

Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) If you love COUREANS, GIANELS and BRANDED LOVERS then do grab a copy! 

CHAPTER 47

KEAN'S POV

Saan pupunta si Courtney? Kanina pa siya labas ng labas ng room. Anong drama ng babaeng yun? Tintotopak na naman. Aish.

"Kean. Sundan mo nga si Chanel. Pinapayagan ko siya lumabas kasi.. Mukhang di kayo okay..

'Lam mo palang di kami okay bakit mo pa pasusundan sakin? Engeng ka pala' --gusto ko man siyang barahin.

Wag na. Katamad.

"K."

Sumunod na lang ako sakanya. Gusto ko rin naman makausap si Courtney ee. Gusto kong ipaliwanag lahat. Isa pa..

Miss ko na talaga siya. Sobra.

Lumabas ako, hinahanap ko na yung bubwit na yun. Saan naman kaya nagsuot yun?!

"Wag! Wag! Wag!"

May narinig ako boses at sigurado akong kay Courtney yun. Nagmadali agad ako. Sinundan ko kung saan galing yung tunog. At..

Ano to?!

Sino yang lalaking kalandian niya?! Anong karapatan nun hawakan si Courtney ha?! Di ko nga yan pinapahawak sa lamok ee, sa tao pa kaya! Sabagay mukha namang unggoy yung lalaking yun.

Kaso..

Ano nga ba magagawa ko. Bakit pa ko magseselos?! E ako na mismo nauna magpakita sakanya na may kasama akong iba.

Si Dara Koleen.

Sinetup na naman sakin ni Mama. Hindi ko alam kung bakit. Pero.. Kung matanong niyo kung bakit okay lang ako sakanya.. Kasi.. Childhood Friend ko siya. Noong bata kami close kami. Sweet talaga siya sa akin kaya sanay na ako na ganan siya, kasi bata pa lang kami nagfifeeling na yun na kami ang ikakasal..

At sa tulong ni mommy mukhang matutupad nga ang pangarap niya. 

"Ahem"

Nagingay na ako. Naiirita na ako sa paglalandian at paghaharutan nila sa harapan ko.

Pag tingin sa akin ni Courtney. Ewan ko. Bigla akong sumaya. Hindi ko kasi siya malapitan dahil ke Dara Koleen ee.

Ay oo. Hindi siya nagpapatawag ng Dara lang. Kasi.. Cute daw yung Koleen kaya dapat Dara Koleen. Ay ewan ko sakanya.

"Kean?"

Ay hindi. Si Courtney ako si Courtney. Psh. Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Tumingin ako doon sa lalaki. As in glare. Tapos nagsmile lang siya.

[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm YoursWhere stories live. Discover now