Kabanata 19

1.6M 43K 15.1K
                                    

Kabanata 19

Nahulog na ng Tuluyan

Para akong zombing naglalakad sa school grounds pagkatapos akong iwan ni Jacob... pagkatapos niya akong hinalikan. Lulong sa pag-iisip ng halik niya, di nag iisip kung saan pupunta o anong gagawin.

Hindi ko talaga alam kung bakit niya ako hinalikan. May gusto ba siya sakin? Bakit niya nagawa yun? At isa pa, bago niya ako hinalikan, aniya'y ayaw niyang magustuhan ako ng iba.

Uminit pa lalo ang pisngi ko habang naglalakad.

"Roseanne! Good luck!" Sabi nung mga kaklase ko.

Hindi ko na pinansin dahil masyado akong preoccupied sa pag iisip kay Jacob. Gosh! Nang papalapit na ako sa covered court, narinig ko yung kinanta ni Jacob noong nasa field kaming dalawa. Papatapos na ito at kitang-kita mo sa mga estudyanteng nanonood na halos umakyat na sila sa stage sa kilig at lahat sila kinakanta yun na para bang paboritong-paborito nila. Yung iba tumatalon-talon pa.

Siguro lagi 'tong tinutugtog nina Jacob.

"Would you lay with me and just forget the world?" Yun ang last na lyrics nung kanta bago matapos.

"I LOVE YOU JACOOOOB!" Ang lakas ng boses nung tumili! Grupo ng mga first year na babae.

"Ms. Aranjuez!" Sabi nung P.E teacher naming si Mrs Castro. "Nandito ka lang pala!" Suminghap siya. "Akala ko nag back-out ka! Naku! Dali ka na! Pumunta na tayo sa backstage! Buti at nandito sina Jacob at pinatugtog muna namin bago mag start!"

Nakatingin lang ako kay Jacob habang sinisimulan ni Leo ang isa pang bagong kanta.

"Last song for today." Kumindat siya dun sa mga tumili kanina at may umambang hihimatayin sa kilig sa kanila.

Napailing na lang ako at pinakinggan ang bagong kanta habang hinihila ako ni Mrs Castro sa backstage.

Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap sarap pakinggan ng boses ni Jacob. Kinakabahan ba ako o nahuhulog na? Dinig na dinig ko na ang puso ko at ayaw na nitong itanggi ang nararamdaman. Hindi ko din alam kung bakit may mga kantang nalalaman si Jacob na ganito ka gaganda.

"If I don't say this now I will surely break

As I'm leaving the one I want to take

Forgive the urgency but hurry up and wait

My heart has started to separate..."

Bawat tigil niya ay may tumitili. Kahit malakas na malakas na yung tunog ng drums dinig na dinig ko parin ang puso ko. It was his kiss! I'm sure of it! Yun ang pumukaw sa damdamin ko.

"Oh, oh,

Be my baby.."

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now