89

279 8 0
                                    

"Hi, babe! Ano pala 'yong sasabihin mo?"

"Babe, gusto ko 'tong sabihin sayo kasi ayoko nagtatago nagsekreto lalo na sayo. . . diba sabi ko sayo kailangan open tayo sa isa't isa" She smiled without showing her teeth, then nod. cute

"May picture ka ba ng ate mo? Pwede patingin?" She nodded. Kinuha niya mula sa bulsa niya ang kayang cellphone, ilang minuto rin siyang naghanap ng mahanap na niya ay hinarap niya sa akin ang kanyang cellphone.

Siya nga.

"Bakit babe, kilala mo ba si ate?" Nagtataka niyang tanong.

"Oo, at naging kami nung junior highschool ata o senior highschool, di ko na maalala. . . Naghiwalay kami kasi mas pinili niya tumira sa ibang bansa" Mahinahon kong sabi. Alam ko namang hindi lang yun, hindi lang dahil mas pinili niyang tumira sa ibang bansa kaya kami naghiwalay.

Hindi siya nagsasalita, hindi ko alam kung tama ba talaga 'tong ginagawa ko ayoko lang talaga magsekreto sakanya lalo na kapatid niya pa naman si Aeisha.

"Alam ko. . ." She stopped. "Well, Matagal na kitang gusto, hindi ba? Lagi kaya kitang sinusundan noon" She smirks.

"Stalker ka?" Pabiro kong sabi.

"Oo, bakit angal ka?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Fuck, ano pa silbi nang sinabi ko sayo" Napasabunot ako sa aking buhok.

"You know, babe dito ko napatunayan na totoo na yung feelings mo sa akin. . . hindi sa nagdududa ako sa nararamdaman mo ah"

Somewhere in BatangasWhere stories live. Discover now