46

712 8 3
                                    


hello balik ud si me! quick narration lang, still epistolary pa rin to 😚 please don't forget to vote and share your thoughts!

---


I skipped my afternoon class because I am not feeling well. Hindi ko alam pero talagang pumait ang lasa ko nung nakita kong may pa tabi tabi pa siya sa babaeng yon! Ex niya na yon, okay naiintindihan ko pero pucha, sabi niya gusto niya ako? Tapos ganun, lumalandi pa rin siya sa ex niya?

Okay, alam ko ni reject ko siya pero gosh, ilang days pa lang mula nun tapos ngayon may bago na siyang nilalandi? Mga lalaki nga naman. Mga walang taste.

Staring at the waves in front of me makes me calm. Nandito ako ngayon sa dalampasigan na malapit lang din sa amin. This is my favorite beach but also the beach that gave me trauma. Gusto ko dito dahil maaliwalas, puti ang mga buhangin, clear blue ang tubig at may malalaking alon. Dito naman sa dalampasigan ay may maraming puno ng niyog na maaari kang tumambay upang hindi mainitan.

And here I am sitting under the coconut tree.

"Lalim naman ng iniisip mo." nagulat ako sa narinig ko. That voice! That familiar voice! OMG what is he doing here?!

"Ginagawa mo dito?" tanong ko na walang ka emo-emosyon. Hindi ko siya nilingon at patuloy lang sa pagtitig sa hampas ng alon dito sa dalampasigan.

"I followed you." I felt that he began to sit beside me. I sighed heavily.

"Oh tapos? Sinabi ko bang sundan mo ako?" I raised my eyebrows, still without looking at him.

He chuckled.

"Nope. Sungit naman." he teased.

Ngayon ay nakuha na niya ang atensyon ko. I stared at him intently, yung tipong malalasap ng mga buto niya ang titig ko. Kingina niya pala! Pinapainit niya ang ulo ko!

Tumawa siya ng malakas at iniharang-harang pa ang mga kamay niya sa harap. "Oy oy! Para namang papatayin mo ako sa titig na iyan!"

"Talaga! Kase nakakainis ka, leche ka leche." God knows how harsh I am to him right know. Nababaliw na ata ako.

"Hala, sa pagkakaalam ko wala naman akong masamang ginagawa ah." he defended himself.

"Talaga?! Maang-maangan ka pa! Malandi ka, haliparot! Kalalaki mong tao leche." ismid ko sa kaniya.

I've never heard silence quite this loud. The silence is awkward and it's creepy. Damn! Napa sobra ata ako ah, ano ako girlfriend?

"Sorry." mahinang sabi ko.

"It's nothing, hmm." he grabbed my face and made me face him.

"You like me." he said directly without any hesitations. Seriously?!

Inilag ko ang aking mukha sa kaniya dahil ramdam ko ang pag iinit ng aking mukha!

"Tanga ka ba? Nasa September na ba ngayon ang April?" sarkastiko kong sabi.

He chuckled softly.

"You know what, napaka sakit mong mag salita. Paulit-ulit mo akong sinasaktan sa mga salitang lulamabas dyan sa bibig mo." mahina syang natawa kaya nilingon ko siya. Lumamlam ang kaniyang mga mata.

"I still like you. Gusto kitang sabihan ng mga assurances na hindi ako kagaya sa mga naging ex mo or ex flings na sinaktan ka, gusto kong baguhin mo ang pananaw mo sa pag-ibig. Baby, huwag mo namang lahatin dahil ako matino ako, hindi ako gaya sa mga lalaking naging past mo." he smiled.

I smiled consciously. Maybe mom is right. Maybe I should start chasing my happiness and not my fears. I don't know. All I know is that I am mad and it hurts that I still can't move on when everyone starts to move forward.

"Balik kana. You're friends are looking for you. Kanina pa nang-aaway si Sonata, pati si Luke sinusungitan niya dahil sa galit kay Lance." malakas siyang natawa.

"Lance? Bakit?"

"Because it was Lance and Sonata's idea na paselosin daw kita. Gusto ko nga magpasalamat dahil mukhang effective." mayabang niyang sabi.

"Mga gago!"

Bigla siyang tumayo at pinagpagan ang kanyang pants na may mga buhangin na dahil sa pag upo niya.

"I'll go now. Sabi mo nga hindi naman tayo close or what. I will now give you the peace you want from this place. Think about something relevant and choose your happiness." ginulo niya ang buhok ko at tumalikod na.

Tama siya, siguro nga mali ako na nagpadala ako sa takot dahil sa huli ako pa rin yung masasaktan dahil kinulong ko ang aking sarili sa mga bagay na hindi makabuluhan. But at the same time may sense naman na matakot ka dahil kakambal ng pagmamahal ang sakit, poot, pighati pero ang mali ay ang hindi tayo sumubok at magpadala nalang sa takot habang buhay.

Matapos ang sandaling pagmumuni-muni ko ay tumayo na ako at nagsimulang maglakad pauwi ng bahay. Maybe kuya is now worried dahil nag cut ako ng class at hindi pa matagpuan sa bahay. Wala pa naman akong dalang sasakyan dahil nga malapit lang ito sa amin kaya nilakad ko nalang.

Pa exit na sana ako ng makita ko si Ashton na nakaupo sa hood ng sasakyan niya habang kumakain ng ice cream at may mga supot ng 7/11 na nasa tabi niya. Nangunot ang noo kong nilapitan siya.

"Why are you still here? I thought you left already."

"Ha? Wala naman akong sinabing aalis ako ah? Ang sabi ko lang iiwan kita doon dahil baka gusto mo pang mag moment moment." naguguluhan niyang sagot.

I laugh at him. Medyo kinilig ako dahil talagang hinintay niya pa ako, akala ko kase umalis na eh, binigyan lang pala ako ng privacy.

"Bakit ka natatawa? Mali ba? Sorry kung akala mo iniwan kita. Bawas pogi points ba? Ganun kase mga pinsan kong babae eh kapag ganitong walang araw at nasa dalampasigan, nagagalit sila pag maiingay kaming mga lalaki dahil daw nag momoment sila kase maganda ang view." tawa niya.

Nagkatinginan kami at sabay na tumawa. Epalogs din to eh.

Inabot niya sa akin ang supot. Pagkabukas ko naman ay may ice cream pa at siopao! I laughed mentally nung naalala ko si Sonata, siopao asado ampota hahaha.

"Baka nagugutom ka tsaka pang pagaan ng loob ang ice cream. Then hatid na kita sa inyo, hindi ko napansin ang kotse mo." sabi niya sabay pasada ng tingin sa mga kotseng naka park.

"Tara na mukhang uulan na din. Sabi mo ah hatid mo ako sa amin." panunukso ko.

"Oo nga. Pwede mo lagyan ng meaning para hindi magmukhang mixed signals ang mga pinapakita ko sayo." sabi niya tapos ay kinindatan ako at pinagbuksan ng pintuan.

Ang corny magkagusto ng mga tao. Hay baka me na next ah Lord, charot.

Star Player 🏐 #1: Dalampasigan ✓Where stories live. Discover now