14: Love never fails

769 24 0
                                    

Pagbaba ko pa lang sa eroplano ay parang gusto ko na lang bumalik sa Chicago

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagbaba ko pa lang sa eroplano ay parang gusto ko na lang bumalik sa Chicago. Ibang iba talaga ang hangin sa Pilipinas, sinasampal ako ng sakit sa ilang milyong lengguwahe. Pero nakakamiss din ito.

Ngayon ay makikita ko na ang mga kaibigan ko pagkatapos ng ilang taon. Sila agad ang una kong tinawagan pagkababa na pagkababa ko sa airport.

"Nasa trabaho pa kami! Hala!" Nagtilian ang mga nasa kabilang linya. Tawa tuloy ako nang tawa.

Nag-uusap pa kami sa telepono nang bigla akong may makitang pamilyar na mukha't katawan. Hinding-hindi ko 'yon makakalimutan kailanman.

"Cadmus," tawag ko sa pangalan nito.

Siya ang dahilan kung bakit mas lalo akong nagsumikap. Ang dahilan kung bakit kahit hirap na hirap na ako sa mga bagay ay nagpatuloy pa rin ako. Siya ang dahilan ng lahat.

Bumagsak ang cellphone ko dahil sa panginginig ng ang kamay.

"Ma'am Erin?" Nag-aalalang tanong ni Amber.

"I'm okay..." Nginitian ko siya. "How many times do I have to tell you? Don't call me Ma'am Erin if we are alone."

Ngumisi ito. "It's a sign of respect, ma'am." Sabi niya tsaka ako sinenyasan na maglakad na dahil naghihintay na ang kotse.

Napatingin ako sa pwesto ni Cadmus kanina pero wala na siya roon. Ano naman kaya ang ginagawa niya sa airport? May hinihintay ba siya? Baka asawa niya?

Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa lahat ng pwedeng mangyari, sa mga posibilidad.

Nang magharap kami sa meeting room ay nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero mas pinili naming dalawang maging propesyonal sa aming trabaho.

Sinubukan kong kunin ang atensyon niya dahil gusto kong malaman kung kumusta na siya. Ano na kayang nangyari sa buhay nila noong nawala ako? May anak na ba siya? O kahit asawa manlang? O nobya?

Ang dami kong gustong itanong pero mukhang hindi siya interesado sa akin. Todo taboy siya sa akin tuwing lalapit ako sa kanya. Kahit sa parties na dinadaluhan namin.

Napatingin ako kay Amber na humahagikhik sa tabi. Tingin siya nang tingin sa daliri niyang hindi ko makita kung ano ang meron doon.

"Please leave me for a while, Amber..." Utos ko sa kanya na tinanguan niya agad. Mukhang natuwa pa nga siya sa sinabi ko eh.

Ilang araw na lang ay babalik na ako sa Chicago. Malapit na rin akong makakuha ng residency dahil nag-apply na ako roon. Konti na lang, matutupad ko na ang lahat ng pangarap ko. Liban na lang sa makuha ulit si Cadmus.

"Girl, kapalan mo ang mukha mo! Puntahan mo siya!" Stress na stress si Renice kaka-advice sa akin.

"Bakit siya makikinig sa 'yo, Renice? Eh nagbreak nga rin kayo nung jowa mo eh!" Komento ni Laurel dito.

I Own That Billionaire (Les Tendres Series #1) Where stories live. Discover now