2

500 20 0
                                    

ZAMARA'S POV

Kaklase ko siya??! Ba't parang ngayon ko lang siya nakita?

Papikit-pikit ang lalaki sa'kin habang titig na titig. Anong problema nito? Kung makatitig akala mo ngayon lang nakakita ng tao.

Napairap na lang ako at kinuha ang notebook at ballpen ko dahil nagsisimula ng mag discuss si ma'am.

"Sorry pala kanina sa sobrang pagmamadali ko nabunggo kita. Tutulungan sana kita kaso."  Tumigil siya sa pagsasalita dahilan para mapatigil ako mag sulat.

Ayoko sa lahat 'yung binibitin ako. Hindi ko pa rin siya kinikibo nananatili lang ako nakikinig at bumalik sa pagsusulat.

"Kaso may tumulong na sayo. I guess boyfriend mo siya." Nabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Binalingan ko siya ng tingin. Nakita ko siyang nakangiti sakin.

Ano ba 'tong taong 'to palaging nakangiti. Ang saya naman ng buhay nito.

"Hoy ikaw." Mahina kong sabi pero may diin. Bigla nawala ngiti n'ya at tinitigan ako habang hinihintay ang sasabihin ko.

Yung mata n'ya biglang namilog akala mo inosenteng batang nakikinig.

"Hindi ko boyfriend 'yon staka hindi ko 'yon kilala." Pangangatwiran n'ya sakin dahilan para tignan n'ya lang ako na nagtataka.

"Bakit ka binuhat?"  Taka n'yang tanong.

"Aba malay k–"  Hindi ko na natapos sasabihin ko nang biglang may sumigaw.

"Kayong dalawang malapit sa likod!"  Nabigla kaming dalawa nang sigawan kami ni ma'am habang nakaturo samin at ang isa nyang kamay ay na sa bewang nya.

Naku, lagot. Ang lakas pa naman ng tama nitong teacher na 'to

"At ikaw na lalaki ka. Kabago-bago mo lang dito! Nakiki pag usap ka habang nag di-discuss ako!"  Halos lahat ng kaklase ko nakatingin samin at nagbubulungan habang ang iba ay tumatawa.

Anong nakakatawa ron? Kahit kailan 'tong mga kaklase ko parang tang* lang.

"Answer the question in the board. NOW!" Nagmamadali akong tumayo para pumunta sa board.  Binigay sakin ni maa ang chalk at ramdam kong sumunod din ang lalaki sakin.

Ano bang klaseng buhay 'to napakamalas.

Napahinga ako nang malalim na solving pa ang sasagutan namin. Ito pinaka ayoko.

Tahimik ang bawat sulok ng room namin na tila pinapanood kami  habang sumasagot.

"Done, basic." Luh? Tapos na agad siya sumagot?  Ang bilis naman?

Lumapit siya sa'kin at bumulong.

"Mali 'yan."  Pinalitan niya ang mali kong sagot.

Nang matapos namin sagutan tinitigan ko muna kung saan ako nagkamali.

"Makakaupo na kayong dalawa."  Kaninang boses ni ma'am na akala mo nakalunok ng mic biglang naging mahinahon.

Gumilid ang lalaki at pinauna ako mag lakad. Agad naman ako umupo sa upuan ko at tumabi na agad siya sakin.

Feeling close naman 'to. Wala ba 'tong kaibigan.

Tatango-tango si ma'am sa sagot namin.

"Ok, tama."  Sabi ni ma'am. Napa whoa ang mga kaklase ko samin.

Mga plastic kanina tinatawanan kami.

"Iho introduce yourself."  Tumayo ang lalaking katabi ko.

"I'm Lucas Covie Takashi. Nice to meet you all."

"Yuii ship!"

"Bagay kayo Zamara!"

"Yon oh sana all!"

"LucasXZamara!"

Dati atang takas mental tong mga kaklase ko. Kadiri naman pinagsasabi nila.

Umupo na si Lucas at nginitan lang silang lahat.

"Congrats kanina ang galing mo pala sa solving."  Ngiti nyang sabi sakin.

Ako na 'to e.

"May mali nga lang."  Mahina nyang sabi at natawa pa talaga.

Nang iinsulto ba 'to?!  Lakas ng tama ha?  Backhanded compliment??!

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now