CHAPTER 6

42 26 68
                                    

Chapter 6: Real Paranormal Expert

"Tarana kasi girl, samahan mo na ako sa registrar."

"Ikaw na lang, alam mo naman na ayoko madaanan ngayon yung theatre area."

"Sige na kasi, hindi naman tayo papasok sa loob ng theatre room, ano pa ang kinatatakot mo."

--
Habang nasa canteen ay napansin niya ang dalawang mag- kaibigan, na estudyante ng unibersidad. Kinukulit ng isa ang kaibigan nito ngunit ang huli ay ayaw naman sumama dahil natatakot pa 'rin sa lugar na iyon.

"Hanggang ngayon, natatakot pa 'rin sila sa nangyari noong nakaraan, Samaniego." Anya habang naka- pangalumbaba sa lamesa at 'kapag- kuwan ay bagot na bumaling siya 'kay Samaniego.

"Napaka- multi- talented mo pala talaga noh?" pagbibigay pansin niya sa kakaibang kakayahan ng binata.

Nakapagbabasa ito sa kabila na naka- shade ito at may suot itong headset sa tenga, habang ngumu- nguya ito ng crackers. Nagpa- patay malisya na naman ito sa naririnig na ingay at usap- usapan sa paligid. Mga usap- usapang paulit- ulit na pinag- uusapan magmula po noong nakaraan na mag- iisang linggong araw na.

Lalong nasira ang pangalan ng Bridges Paranormal Club, dahil ang usap- usapan ay hindi marunong ang mga ito na mag- identify ng sinasapian at nagpapanggap na sinasapian. Pinagkatuwaan tuloy ang mga ito, lalo pa't  pumagitna si Samaniego sa eksena at inilantad ang kalokohan ng mga vlogger— na gumawa ng prank sa mga Bridges.

"Alam mo, tanggalin mo kaya 'yang headset mo, para naman naririnig mo sila. Hindi nawawala ang interes nila sayo." Saad niya sa binata kahit alam niya naman na hindi siya nito naririnig at hindi siya nito sasagutin.

Muli ay natuon ang atensyon niya sa usap- usapan sa paligid.

"Sayang naman, hindi natin nakilala yung lalaki na nangbuko sa prank ni Rose Mary."

"Huy, balita ko may itsura 'daw, kaso lang..."

"Kaso lang, wirdo."

"Ano kayang kurso nung lalaki, ano kaya ang pangalan? anong departmento?"

> // Bigla ay napa- tingala siya 'kay Samaniego nang bigla ay tumayo ito at kinuha ang gamit nito.

"Hoy! Saan ka 'na naman pupunta? nakaka- pagod ka 'naman buntutan!" Muli ay sinundan niya ang isnaberong binata. "Ang sungit- sungit mo naman! nag- ppms ka 'ba?" napa- buntong hininga siya bagamat wala naman siyang hininga. Halukipkip na muli niyang sinundan ang binata.

Hanggang sa mag- tungo ito sa Departamento ng mga mag- aaral ng Arkitekto. Sa pangatlong palapag. Pang- tatlongpu't siyam na bloke.

"Sandali lang, huwag mong sabihin na—"

"Ikaw, ulet?" Melanie bursted out with disbelief when she saw the man standing alone on their door, the man is Samaniego.

"Ikaw yung lalaki noong nakaraan sa theatre room, yung pakialamero. Ano ang ginagawa mo dito?" Salubong ang mga kilay na matigas na pagkikilanlan ni Ajel sa binata.

"Hindi naman ako makikialam kung tama ang ginagawa niyo." Mapangahas na saad ni Samaniego sa mga Bridges.

Natutulala na lamang siya habang pinapanood ang pag- uusap ni Samaniego at ng mga Bridges. Masyadong maangas at malakas ang dating ni Samaniego, may pagka- matabil pa ang dila. Kaya pansin niya ang matinding iritasyon sa mukha ni Ajel.

RESTLESS SOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon