Story School Episode 2

27 1 0
                                    

Agaran, nakaeengganyo, komersyal | Story School | Episode 2

Hello, Wattpadders!

Lahat tayo ay nangangarap na makapagsulat ng isang kuwento na tinatangay ang lahat, hindi ba? Pero ano ba ang kailangan upang mapansin ang iyong kuwento?

Huwag mag-alala—si Leah, isang Content Expert sa Wattpad HQ, ay narito upang ibahagi kung ano ang nakakukuha ng pansin ng mga mambabasa sa Episode 2 ng Story School, "Agaran, Nakaeengganyo, Komersyal". Ang episode na ito ay puno ng mga juicy insight ng kung paano nagiging tunay na matagumpay ang isang kuwento, kahit na anong genre pa man ang iyong isinusulat.

Ipinapakita ni Leah ang tatlong mahalagang bahagi na kailangan ng bawat mahusay na kuwento: Agaran, Nakaeengganyo, Komersyal. Naiintriga na? Ang ibig sabihin ng agaran ay pag-hook sa iyong mga mambabasa sa unang kabanata pa lamang, upang magkaroon sila ng rason na mag-invest emotionally sa iyong kuwento. Isipin mo ang relatable na mga karakter at matinding motibasyon na naghahabi sa plot.

Pero hindi lamang iyon. Upang hayaang magningning ang iyong kuwento, kailangan mo itong gawing nakaeengganyo. Ang mga cliffhanger ay ang iyong bagong best friend—pinananatili nila ang iyong mga mambabasa sa dulo ng kanilang mga upuan, sabik na malaman kung ano ang susunod na mangyayari. Siguraduhing yakapin ang mga trope at inaasahan sa iyong genre, habang inilalagay rin ang iyong kakaibang atake sa mga bagay. At huwag kalimutan ang multiple story arcs at character development—ito ay mga pangunahing sangkap upang mapanatiling invested ang iyong mga mambabasa sa mahabang panahon.

Sa wakas, upang maging tunay na komersyal ang iyong kuwento, kailangan mong umapela sa iyong audience. Ang ibig sabihin nito ay pagsusulat nang may tunay at relatable na emosyon na kumakatok sa puso ng iyong mga mambabasa. At huwag matakot na sumunod sa mga genre convention—ang mga mambabasa ay naghahanap ng isang tipo ng kuwento, kaya ibigay mo ito sa kanila (habang pinananatiling bago at kapana-panabik ito).

Sa pagtatapos ng araw, ang pagkukuwento ay tungkol sa pagkakaroon ng emosyonal na koneksyon sa iyong mga mambabasa. Kung mahu-hook mo sila gamit ang makabagbag-damdaming plot at mga karakter na hindi nila maiiwasang suportahan, nasa daan na para makapagsulat ng isang hit na kuwento.

Kaya ano pa ang hinihintay mo? Magtungo na sa Episode 2 ng Story School at maghanda na dalhin ang iyong pagsusulat sa susunod na lebel. At kung na-miss mo ang Episode 1, "Writer's block at kung paano ito malalampasan," huwag mag-alala—maaari mo pa rin itong mapanood dito.

Maligayang pagsusulat, Wattpadders!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

News and UpdatesWhere stories live. Discover now