Getting To Know Sir Zhang

21.3K 816 966
                                    

chapter one.

"Chelsea!" napabuntong hininga na lang ako. Eto na naman tayo.

"Sir Charis po. CHARIS, as in chariz lang sismars." pagtatama ko sa kanya.

Tiningnan lang ako ni sir. "Ano yung sismars?" I rolled my eyes. Forget it. Dumadami na pangalan ko dito eh. Charis, Chelsea, Charlie, Charlene, Charmander... ewan ko ba kay sir kung makakalimutin lang o nambwibwisit lang.

"Ah sorry. Paki-arrange na lang nitong files" turo niya sa tambak ng papeles na nasa desk niya. "Alphabetically" halos mapanganga ako. "I'll just rest for a while" sabi pa niya.

Pagkatapos noon ay tumayo na si sir para lumipat sa sofa. Nahiga na siya doon at hinarang ang braso niya sa mukha niya. Knockout eto... wala pa siyang pahinga since yesterday eh. Mahahalata mo naman na pagod siya, pero sadyang di lang nagrereklamo.

Habang natutulog si sir ay sinimulan ko na lang yung utos niya. Di pa ako nagtatagal ay narinig kong humihilik na siya. Napangiti ako, ang cute tingnan eh.

Nakarinig ako ng katok sa pinto at nakita kong pumasok si Kyungsoo. Siya yung secretary ni sir Jun Myeon at matalik rin na kaibigan ni sir Zhang. Nakita niyang tulog si sir Zhang at nagbuntong-hininga na lang siya.

"Kanina pa ba eto tulog?" Tanong niya. Di nga halata sa kanya na secretary siya kasi parang boss rin ito, mas masungit pa nga siya sa boss ko.

"Ngayon ngayon lang, pero kung may sasabihin ka sa akin na lang kasi ngayon lang siya nakapagpahinga eh" sagot ko sa kanya.

Lumapit na lang si Kyungsoo sa akin saka may inabot na folder. "Pinapaabot ni Suho hyung, pabasa mo kay hyung tapos pirmahan niya. Kailangan ko na yan bukas" sabi niya.

Pinatong ko na muna yung folder desk at nagpatuloy na ako sa pag-ayos ng files. "Need help? Mukhang marami yan" tanong niya.

Umiling naman ako. "Nako wag na lang, nakakahiya eh" sabi ko naman sa kanya.

"Nah, okay lang sa akin. Marami namang mauutusan si Suho hyung doon, at kahit naman yata ikaw ay wala pa ring tulog" di na ako tumanggi pa at hinayaan ko na lang siya since pipilitin lang niya ako.

"Kamusta nga pala ang pagiging secretary at PA ni hyung? Okay lang ba? Unang trabaho mo ito di ba?" Tanong ni Kyungsoo.

"Okay lang, medyo di lang ako sanay pa kay sir Zhang. After all, pangalawang week ko pa lang halos sa trabaho. Di ko pa gaanong kabisado ang ugali niya" sagot ko habang inaayos ko yung files na nasa akin.

"Mabait naman siya di ba?" Tanong ni Kyungsoo.

"Sobra" nakangiti kong sagot. "Swerte ko nga at sa kanya ako na-assign. Nung una ay kabado ako since CEO siya, but ang layo ng ugali niya sa na-imagine ko. May times lang na off yung focus niya but I guess part na yun sa kanya" kwento ko.

"Pwede ba na matanong ko kung bakit CEO siya kaagad? Di ba parang masyado pa siyang bata?" tanong ko pa.

"Hyung is CEO material. Intelligent, responsible and well-mannered. Wala sa kanya yung aura na 'nakakataas ako sa inyo kaya respetuhin niyo ako'. Supposed to be ay dapat COO muna siya pero Mr. Zhang had to retire early so kailangan mag-takeover ni hyung" kwento ni Kyungsoo.

Dealing with CEO Zhang [Lay FF] - w/ English TranslationWhere stories live. Discover now