Walang Pamagat

27 0 0
                                    

Nais nang tapusin ang mga pahina nitong libro
Oh kaya naman ay punitin na lamang ito nang buo
Maaari rin namang ibigay nalang sa 'yo
Kalakip ng nagdurugong puso

Bilang na ang mga araw
Hindi na kailanman magkikita
Ngunit kung kailan magtatapos na ay saka pa nahiya
Saka pa dinalaw ng pagkabigo
Paano ba naman, e alam ko nang hindi na tama sinundan pa rin ang gusto ng puso

Wala naman na talaga, e
Kahit anong gawin hindi mapapansin ang mga panakaw na tingin
Nawawalan na ng ganang abutin
Ang bituing dapat ay hanggang tingin lang sa akin



—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now