Chapter 24: Her father

831K 27.2K 15.8K
                                    


Kean's point of view

Pinarada ko ang motor ko sa tapat ng bahay nila Keila. Inalalayan ko siya pababa ng motor ko. Pumasok kami sa loob kung saan naghihintay ang Papa niya.

Nakaupo sila sa sala.

"I'm home." Bungad ni Keila.

Humarap sila sa amin. Nanlaki agad ang mata ko ng makita ko ang Papa ni Keila. Totoo ba 'to? Siya ba talaga ang Papa ni Keila? Ibig sabihin, magkapatid sila ni Dana?

"Sinama ko pala si Kean, sana okay lang." Sambit ni Keila. "Oo nga pala, Papa si Kean po kaibigan ko. Kean siya yong Papa ko."

Kahit siya gulat na gulat ng makita ako. Kilala na namin ang isa't isa noon pa dahil kay Dana.

"Nice to meet you, Kean." Sambit niya.

Inabot niya sakin ang kamay niya kaya nakipagkamay din ako. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa paghawak niya.

"Kumain na tayo, nasa taas lang si Cloud at baba na din siya." Sabi ni Tita Mae.

Pumunta kami sa dining room. Tumabi ako kay Keila habang 'yong Papa niya nakaupo sa gitna katabi si Tita Mae. Bumaba na din si Cloud. "Anong ginagawa ni Kean dito?" Tanong ni Cloud.

"Sinama ko siya dito." Sagot ni Keila.

"Is he part of our family?" Pagsusungit niya. Umupo siya sa harapan ko. "Para satin lang 'tong dinner na 'to, Keila."

"Hayaan mo na Cloud. Kumain na lang tayo." Sambit ni Tita Mae. "Let us pray." Nagkaroon ng isang minutong katahimikan. "Sige kumain na tayo."

Inalalayan ko si Keila sa pagkuha ng mga pagkain. Parehong masama ang tingin sakin ni Cloud at ng Papa nila. Hindi tuloy ako mapakali sa kinakaupuan ko. Hindi ata magandang ideya na pumunta ako dito ngayon.

"So Kean, nanliligaw ka ba sa anak ko?" Tanong ni Tito Travis.

"Balak ko po sana." Sagot ko. Lahat sila napatingin sakin. "Kaya nga po hihingin ko na sana ang permission niyo kung liligawan ko na si Keila."

Nagkaroon ulit ng katahimikan bago sila sabay sabay sumagot.

"Hindi." Sagot ni Cloud at ni Tito Travis.

"Oo." Sagot ni Tita Mae.

"Hindi pwede, Keila napagusapan na natin 'to hindi ba? Pwede ka lang makipagkaibigan sakanya pero higit pa don hindi na pwede." Sambit ni Cloud.

"Hindi din ako papayag." Sagot naman ni Tito Travis.

Sasagot na sana ako nang nagsalita si Tita Mae. "Bigyan niyo nga ako ng magandang dahilan kung bakit ayaw niyo."

Nagkaroon ulit ng katahimikan.

"Walang masama kung manligaw si Kean kay Keila. Mabait na bata si Kean at palagi siyang nandyan para sakanya. I think he deserves a chance."

"Thank you po, Tita Mae." Sambit ko. "Wag kayong mag-alala, hindi ko sasaktan si Keila. Mahal ko po siya kaya hindi ko 'yon magagawa." Masamang tingin na lang ang sinagot sa akin ni Cloud at ni Tito Travis.

"Buti na lang kakampi mo si Mama." Bulong sakin ni Keila. "Okay ka lang ba dyan?"

Tumango lang ako at ngumiti sakanya. Hindi talaga ako okay kasi kanina pa ako hindi mapakali dahil sa tingin ni Cloud at ni Tito Travis pero buti na lang kampi sakin si Tita Mae.

"Balak kong pumunta sa hongkong next month sa birthday niyong dalawa. At balak ko sana lahat tayo pumunta." Sambit ni Tito Travis. "Sana pumayag ka, Mae. Minsan lang naman tayo mag bonding na pamilya."

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang