Pagdalaw kay Bullie Crawford

10 1 0
                                    

Dinalaw ng aming team ngayong araw ang diumanong dambuhalang palaka sa Zilyonaryo's Garden upang alamin ang lagay niya matapos matagpuan siyang nakahandusay sa kalye.

Kung inyong matatandaan, si Bullie Crawford ay isang palakang umibig at nasaktan, kaya nahanap ang sariling kaligayahan, kasama ang mga pulang kabayo. Tinulungan siya ng aming team na dalhin sa Zilyonaryo's upang manumbalik ang dating masayang buhay.

Hindi siya humarap sa camera, pero nagpaunlak siya ng isang maikling interview. Ayon sa kaniya, masaya na siya sa lugar na iyon. Naniniwala siyang unti-unti ay makakalimutan niya si Chubbie Froggie.

"Chubbie Froggie, alam kong masaya ka na sa piling niya. Sana magtagal kayo. Ibalik mo nga pala sa akin ang singsing. Hindi pa fully paid iyon," panawagan pa ni Bullie Crawford. 

Iyan lamang sa ngayon ang update, mga kahayop. Mula rito sa Zilyonaryo's Garden, ito si Makata O, nag-uulat.

Balitang KahayupanWhere stories live. Discover now