Chapter 20 : Clingy

3.6K 114 11
                                    

"Saan ka nagpunta?" bungad agad sakin ng dalawa pagkabalik ko. Grabe naman mga 'to, daig pa nanay ko.

"Tumambay lang ako sa bench kanina, nanood ng mga nagpapractice" binigyan ako ng mapanuksong tingin ni Meghan.

"Nandon siguro si crushiecakes mo ano!" sigaw niya pa, shet nakakahiya! agad ko siyang binato ng papel na lukot sa harap niya.

"Wala akong crush don gago ka!"

"Susumbong kita kay Ivy! Alam kong crush mo yon dati pa tsaka diba may crush din yun sayo? nagconfess pa nga siya sayo tapos kilig na kilig ka pa" wtf! ang dami tuloy napapatingin sa gawi namin dahil sa lakas ng boses niya.

"SIGE, ILAKAS MO PA!" sigaw ko sa kanya at tinawanan niya naman ako ng pagkalakas-lakas.

"Sino si Ivy, bebecakes?" tanong naman ni Aubrey, aba! isa na rin siya sa marites ngayon? amaziiiiing tsk.

"Yung captain yun dati ng volleyball, alam ko single pa rin yon hanggang ngayon kasi hinihintay niya 'tong si Soleng na maging ready na magcommit sa relationship, grabe nga rin talaga yung babaeng yun kasi sobrang ganda niya tapos sexy and matalino, win-win na" sambit ni Meghan, ang sama ng tingin ni Aubrey tuloy sa kanya.

"Ikaw ata ang may crush don e!" patay kang bata ka. "Huh? Hindi ah, I'm just describing her" sambit naman ni Meghan.

"But you're describing her SO DAMN WELL" inirapan pa siya ni Aubrey, lagot ka bff suyuin mo 'yan.

"Naku po, manunuyo pa tuloy ako huhu..inaasar ko lang naman ni Soleng" dinig kong bulong ni Meghan kaya patago ko itong tinawanan.

"Tama ka Aubrey, ganyan niya i-describe lahat ng babae" sulsol ko pa kaya siniko ako ng kaibigan ko. "Tumahimik ka na, bwisit ka!" inis na sambit ni Meghan kaya natawa ako, sino unang nag-asar saming dalawa?

Dumila ako sa kanya at ngumisi sa harap niya dahil sa tingin ni Aubrey sa kanya ngayon.

"Tara na sa klase" yaya ko sa kanila bago pa matuloy ang away nila.

Sa kalagitnaan ng klase ay may biglang kumatok na estudyante sa pintuan. "Good morning po Prof. pinapaexcuse po ni Miss Moretti si Miss Soliel, thank you po!" agad namang pumayag si Professor na pumunta ako ampotek!

Agad akong naglakad patungo sa office nito. Kakatok pa sana ako nang makita kong nakabukas naman pala iyon kaya dumeretso na ako sa loob.

"Good morning!" masiglang bati ko.

"Sit" Hindi niya ako binati pabalik at tinarayan niya lang ako. Anong ginawa ko? inirapan ko nalang din siya pabalik pero patago hehehe.

"Bakit mo ako pinatawag?" deretsong tanong ko.

"Where do you want to go sa birthday ko?" pinatawag niya ako for this?

"Hindi ko alam sa inyo ni Mom and hindi ba may pupuntahan ka?" hindi ko naman talaga alam ano plano nila ni Mom.

"I canceled it" walang kagatol-gatol niyang sabi. "Why? Isn't it important?"

"It is important but I want to spend my day with you, baby" shet, kilig ang lola mo!

"You decide, it's your birthday anyway" totoo naman, bakit ako magdecide e siya yung may magcecelebrate. "Uhmm..tuloy natin sa beach"

"Okay po." tumayo na ako at balak ng umalis nang pigilan niya ako.

"No, huwag ka muna umalis. Come here, let me hug you" hinawakan niya ako sa braso at pinapunta sa tabi niya. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "But Ma'am, may klase pa ako"

"Ayaw mo ba ako ihug?" tanong niya, kung kanina ay hawak lang, ngayon may paghilig na si bading!

"Gusto." kinikilig nga ako eh!

"Then why are you in hurry?" malambing niyang tanong, omg so soft.

"I have a class obviously" inexcuse ako sa terror na prof for this.

"I already excuse you and why are you so taray?" mataray ba ako? hindi ah.

Kinuha ko ang kamay niya at pinagsaklob ang kamay namin hanggang isa ang nakayakap sa likod niya. Dumukdok siya sa leeg ko at nararamdaman kong may mumunting halik siyang pinapalatak doon at ganon din ang ginawa ko sa kanya.

"Why are you so clingy today hmm?" tanong ko sa kanya.

"Nothing, i just want to hug you the whole day." sambit nito at sumiksik lalo sa leeg ko.

Marahan ko siyang hinila papunta sa couch ng office niya at doon kami nagcuddle. Hindi ako nasatisfied na nasa tabi ko lang siya kaya pinalagay ko siya sa ibabaw ko at wala rin siyang tutol sa pinagawa ko.

Naramdaman kong bumigat ang katawan niya sa akin at may mahihinang hilik akong naririnig sa akin and I found it cute, lahat naman ng gawin at hindi niya gawin ay napupuri ko siya. Ganon ako kapatay na patay sa kanya, uwu. Hinayaan ko siyang makapagpahinga sa ibabaw ko at wala akong angal dahil gusto ko rin naman ahe.

Halos isang oras kaming nasa ganoong posisyon. Alam ko rin kasing stress siya rito sa University at hindi lang siya nagco-complain because it's her job and she loves what she's doing. Ilang minuto pa ay naramdaman kong gumalaw na siya. Naghilamos siya ng kanyang mukha at nakikita ko sa kanya yung mga baby na nag-iinat pagkagising, cutiee so much!!

"Baby" tawag niya sa akin, ang husky ng voice niya pala kapag bagong gising. HUY BWHAHHAGSHAGDJS BADING!!

"Hmm?" act fool, soleng. Hindi ka kikiligin for today's video.

"Date tayo, baby." hindi siya nagtanong at parang binigyan niya lang ako ng kaalaman na may magaganap na date at hindi na iyon maca-cancel pa.

"When?" tanging tanong ko sa kanya.

"Later, after ng class ko." sambit naman nito.

"How about my class?" duhh may two subjects pa ako na dapat attend-an. "Hindi ka tumitingin ng announcement 'no?" natawa ito ng mabini, luh! am I joke to her? "What do you mean?"

"Sorry for laughing, hon. Look mo sa announcement ng page." agad ko namang ginagawa ang sinabi nito at mayroon ngang announcement doon. Suspended pala lahat ng class today dahil sa biglaang meeting ng mga professors meaning kasama siya don?

"Hindi ako kasama sa kanila, may mga papers lang ako na kailangan ibigay sa mga students ko bago sila umuwi" oh kaya pala.

"Oh..give it to them na before they leave." pagkasabi ko noon ay bumitaw na siya sa akin. Nag-ayos lang siya at kinuha na ang mga papers na ipapamigay niya.

"Saan mo ako hihintayin?" tanong niya sa akin. "Inantok din ako bigla baka sa relaxation room na lang sa E-library." ako na ang nagpresinta na magsara ng pinto ng office niya nang makalabas kami.

"Okay, can you wait for me mga 20 minutes lang" may magagawa pa ba ako ha?!?

"Sure po." pagkatapos ng tagpong iyon ay dumeretso na ako sa E-lib at tulad ng sabi ko sa kanya ay dumeretso na agad ako sa isa sa mga bean bags doon. Lumagay ako sa gilid na bahagi doon at nagsimulang magpaantok. Nagulat ako ng may biglang kumalabit sa akin.

"Hi, love."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

may taga-bulsu ba diyan? ayoko na magcollege! hindi pala nakakatuwa, charing! Thank you sa nagmessage sa akin sa messenger kasi ginising mo'ko, nakalimutan ko na ring may story akong ginagawa. Thank you for reminding me na may naghihintay ng update/nagbabasa pa rin ng story na ginagawa ko. Goodnight, everyone!

Loving, Tita AlessiaWhere stories live. Discover now