Chapter 1

6 1 0
                                    

"ALINDARESKA," Rinig kong wika ng aking ina sa linya na kunekta sa ibaba. Nakangiti kong sinipat ang aking sarili upang malaman kong ayos ba ang pagkakabihis ng aking bistida. Ang kulay ng bestidang suot ko ngayon ay pula na hinaluan ng itim at dilaw. "It's exactly 9 of evening were still not there, God!"

"Coming..." kinuha ko ang aking bag sa kama at bumaba na. Agad kong nakita ang aking ina sa bukana ng pintuan. Naabutan ko itong inaayos ang kanyang puting bestida. Meron itong itim na kulot na buhok at hugis puso na mukha at singkit na mata na pinapalibutan ng mahabang pilik Sa angulong ito kitang-kita ko ang tangos ng ilong ng aking ina at pouty lips na kapag ngumiti ito ay nakakaganda ng buong atmospera nito sa mukha. May roon itong hour glass na katawan kaya kahit anong suotin nito ay bumabagay dito kahit pa ang suotin nito ay maduduming damit. Bumaling ito sa akin saka ngumiti.
Randam ko ang saya sa puso ko dahil lang sa simpleng matamis na ngiti galing sa aking ina. Hindi ko mapigilang ibalik ang ngiti sa kanya.

"Your beautiful, Darling.." nagpose naman ako dahilan para matawa ang aking ina.

"Yes naman, Mom. Saan pa ba ako magmamana?" maarteng aniya ko sa aking ina na tudo ngiti habang pinapanood ang aking kalokohan.

"Hm, kanino nga ba?" ginawa nitong inosente ang mukha bala-balaang hindi alam kong sino pero ang totoo alam nito kong sino ang tinutukoy ko. Gusto laang marinig nito mula sa labi ko.

"Kay Arisen Kame Balcos," napahagikhik naman ang aking ina.

"That was me, darling." nagugulat na wika nito

Kumindat naman ako."Yes, its you," umiling-iling naman ang aking ina habang ang ngiti'y abot mata. Ngumiti ako kay Mom ng nasa harapan ko na ito.

"Binubula mo na naman ako ei.."

Napaawang ang labi ko saka natawa."No, I'm not, we're beautiful and perfect." ngumiti ako.

Nawala ang ngiting iyon ng maananigan ang lungkot sa mukha ng aking ina. Napakagat ako ng ibabang labi saka ko iniwas ang aking mata. Hindi ko kayang makita ang aking ina na sira, miserable at malungkot. My mother are beautiful, smart and kind but why my family become like this? Broken and theirs no love at all.

"Yes, beautiful and perfect," pagsang ayon ng aking ina. Pero bakas roon ang lungkot, kahit ganun nakakayanan parin ng aking ina na ngumiti. I hate that fake smile. Bakit hindi na lang nito sabihing masakit at malungkot sya. "Tara na, baka mas lalo tayong malate nyan sa kaarawan ng anak ng tita mo."

Tumango naman ako. Inimbitahan kami ni Tita sa kaarawan ng bunsong anak nito. Si Tita Bea ay best friend ng aking ina at ngayon palang magkikita si Tita Sabe at ang aking ina. Nang maghiwalay ang mga magulang ko at maayos ang divorce nila, dumaretso na kami dito sa pilipinas. Ayaw naman ng aking ina na duon tumira habang buhay dahil naruon ang aking ama. Pumayag na rin ako sa desisyon ng aking ina na dito na manatili sa pilipinas. Baka sakaling maging masaya ang aking ina pag narito sila. Malapit sa mga kaibigan.

Hmmmm....

Naalala kong hindi ko pa nga pala alam kong anong rason kong bakit sila nag hiwalay ngunit may alam akong dahilan. Hindi mahal ng dalawa ang isa't isa. Napakunot ang aking noo. Hindi ko maintindihan kong bakit nagpakasal ang dalawa kung maghihiwalay din sila. Ayaw ko namang tanongin ang aking ina, pero gusto kong malaman ang dahilan. Bumaling ako sa aking ina sa driver seat. Hindi ako sigurado kong ayos lang tanongin ang aking ina sa rason ng paghihiwalay nilang dalawa. Napabuntong hininga sya.

THIRD POV

"Hmm? What's the problem, Darling?" napakunot ang noo ni Kame dahil narandaman niya ang bigat ng buntong hininga ng kanyang katabi. Ganun lang naman si Alin kapag may gustong itanong pero nagdadalawang isip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eternal Embrace of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon