CHAPTER TWENTY THREE

4.3K 185 28
                                    


"Sigurado ka bang ayaw mong umuwi sa Papa mo?" Muling tanong nito sa akin.

"Ayoko na muna. Dito muna ako kay Tita Rosa. Magdadahilan nalang ako sa kanya." Sagot ko rito.

Napatango tango si Enzo. "Pero pwede ka namang mag-stay nalang sa condo ko."

Ngumiti ako rito. "Thanks, but no thanks. For sure, hahanapin ako n'un ni Papa at dito 'yun unang magpupunta kay Tita Rosa. Gusto ko lang pahupain itong inis ko sa kanya. Hindi naman ako galit, disappointed lang."

"Sige, ikaw ang bahala. Basta mag-chat ka sa akin kung hindi ka komportable rito." Dagdag niya at tumango naman ako.

Pinahinto ko sa may kanto ang sasakyan ni Enzo nang makarating kami ng Barangay Santolan.

Bumaba na ako ng sasakyan nito. Hinintay ko muna itong makaalis bago ako naglakad papunta sa bahay ni Tita Rosa.

"Jinuel, long time no see." Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko ang tricycle ni Kuya Xander.

Awtomatikong napangiti ako sa pagkakakita rito. "Hello, Kuya Xander. Long time no see." Sagot ko rito.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito sa akin.

"Ah, sa bahay po ni Tita Rosa. Makikitulog po muna sana ako."

"Nako. Wala dyan si Rosa. Kakahatid ko nga lang sa kanya sa may sakayan. Mga ilang araw daw siya sa Batangas. May bibisitahing kaibigan. Paano ka niyan?"

Napakagat labi ako nang malamang wala si Tita Rosa sa bahay nito.

"Siguro po'y uuwi nalang ako sa bahay ni Papa." Alangan na sagot ko rito.

"Gabi na, ah. Doon ka na muna magpalipas ng gabi sa amin." Suhestiyon naman nito.

Ilang segundo akong hindi nakasagot at nag-iisip kung tatanggapin ko ba ang offer ni Kuya Xander.

Pwede ko naman kasing i-chat si Enzo at magpasundo rito.

Pero namiss ko rin naman itong si Kuya Xander at ang munti naming paglalaro noon.

Ngumiti ako rito. "Hindi po ba nakakahiya sa asawa niyo?"

"Sus! Wala iyon. Tsaka, may pasok si Misis, pang-gabi siya sa isang call center. Ano? Sakay ka na." Sagot ni Kuya Xander.

Hindi na ako nag-atubili pa at agad nang sumakay sa tricycle nito.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay nila Kuya Xander.

Kagaya pa rin ng unang punta ko sa bahay nila noon, wala itong pinagbago.

"Pasok ka." Alok nito nang maiparada niya na ang kanyang tricycle.

Agad naman akong pumasok sa loob ng kanilang maliit na bahay.

Walang tao sa loob ng bahay. Agad akong naupo sa sofa.

"Pasensya ka na, walang pinagbago 'tong bahay namin. Medyo, hirap pa rin kasi kami sa buhay ng asawa ko." Nahihiyang sabi nito.

"Ano ka ba, Kuya? Okay lang 'yun. Ang mahalaga'y nagagampanan mo ang responsibilidad mo bilang Ama ng tahanan." Sabi ko rito. Ngumiti naman sa akin si Kuya Xander.

Hindi ko maiwasang hangaan ang kakisigan ni Kuya Xander. Gwapo ito kung tutuusin. Ang kayumanggi nitong balat at katangkaran nito ang mas lalong nagpakisig sa kanya. Hindi ganoong kalakihan ang katawan nito, pero mahahalata mo sa fitted nitong suot na sando na may tinatago rin itong mala-adonis na katawan. Ganoon rin ang namumutok nitong braso.

Hindi ko maiwasang pagpantasyahan si Kuya Xander. Naaalala ko na naman ulit ang unang tagpo namin dito rin sa kanilang bahay.

"Oo nga pala, gusto mo bang kumain? Bago kasi umalis si Misis ay nagluto muna ito ng sinigang na baboy." Alok nito sa akin.

The Boys of Barangay SantolanWhere stories live. Discover now