Chapter 16

1.4K 49 0
                                    

France Pov

"Mang Damian, san po tayo papunta?", Tanong ko after naming umalis at nasa kalagitnaan kami ngayon ng kalsada patungo sa pupuntahan namin na hindi ko naman alam.

After nong nangyari kagabi na natulog ako sa tabi niya, maaga akong gumising para umalis sa kaniyang kwarto. Di kona pinaabot na magising pa siya baka mag assume siya na gusto ko siya or talagang ako lang.

Lasing na lasing siya kagabi, kahit akong lumalabas sa bunganga niya kaya medyo naiidlip pa ako. Di ko rin kase siya kaya na palitan ang kaniyang damit kaya hinayaan ko lang, isa pa ang dahilan kung bakit di ako makatulog ng maayos ay dahil amoy alak siya.

Pero, kagabi kopa ito iniisip. Pano nakarating ang babaeng si Jessie na iyon sa bar na kung saan din si Ate?

Sigurado ako na magkasama sila doon dahil nadala niya dito si Ate, alam din niya ang lugar na ito dito. Di naman pwede na nagkataon lang na nandoon ron yung babae na yun eh sa dinami dami ng bar dito sa paris, sa iisang bar lang sila magkikita.

"Museum Missy, may bibilhin si Madame na painting", Sagot nito.

Bibilhin? Paano? Pwede ba yun? Diba sa museum mga mahahalagang ancient things ang dini-display doon? Bakit naman niya bibilhin?

"Paano Manong and for what?", I ask again.

Kung nagtatanong kayo kung bakit I'm asking, kami lang dala ni manong sa kotse dahil mag isa lang si Ate sa kaniyang isang sasakyan.

She's using her purple lambo, gusto ko sanang sumakay doon kanina pero nahihiya akong magsabi tyaka baka galit pa siya saakin since ang tahimik niya. Di lang man nagsalita kahit isang word, I'm planning to say sorry mamaya kapag makalapit na ako.

"Binding Miss, narinig ko na may binding na magaganap today kaya pupuntahan natin"

"Pero bakit pa ako kasama mang Damian? Pwede namang kayo nalang", I ask again.

"Para makita niyo rin ang paligid ng Paris, Missy. Pagkatapos nito pupunta tayo sa sikat na lugar dito sa paris tulad ng sinabi ni Madame", sagot nito.

Actually, noong kasama kopa si Mama. I wanna visit paris not only dahil sa magandang tower, gusto ko ring makapasok sa Musèe Rodin. Its an 18th-century mansion & sculpture garden displaying Rodin's influential works, such as The Thinker.

It's a museum na kung saan maraming puti or black statue na naked. Kahit parang wala lang iyon sa ibang tao, for me there's something from it. Gusto kong makita sa personal ang mga statue na iyon kaya sana doon kami pupunta.

Di nagtagal ay nakarating na kami sa isang mukhang mansion na bahay, I rubbed my eyes to make sure kung nananaginip lang ba ako o totoo itong nakikita ko.

"We're here na Missy", he said tyaka pinark ang sasakyan.

"It's..."

"Yes Missy, we're here in Musèe Rodin Museum", sagot ni manong.

I knew it, hindi ako nagkakamali.

As far as I know, bawal ipasok ang kahit anong sasakyan kaya dito lang kami sa gate. When we enter, maraming tao ang nasa loob.

This is one of the famous museum here, hindi ako makapaniwala na nakatongtong ako sa one of my dream place  na ngayon ay hindi na Dream kundi a real one.

Shït! Iniwan kopa ang cellphone ko, akala ko sa company na naman niya kami pupunta. Malas talaga. Lumabas na si Mang Damian kaya lumabas narin ako, kahit na masaya ako ngayon ay kulang parin, di ko kase nadala ang phone ko.

Miss Amora's Obsession Where stories live. Discover now