Candy Series | Koko Tales 2

261 18 0
                                    

Tale 2: Why you not play mem?

*** 

Time: A few days after Iya and Jacob became official

"Are you sure gagawin mo 'yan? Kaya ko naman, Jacob..." sabi Iyam. Nakaupo siya sa kahoy na sala set sa loob ng bahay nila.

Si Jacom, nakaupo sa katabing upuan, malapit kay Iya.

'O, kaya naman daw niya, Jacom. Paladesisyon ka na naman, ah... Uwi na tayo. Laro tayo. 'Di naman kayo makakalaro Iyam. 'Di naman 'yan siya humahabol ng bola at frisbee.'

"Akin na 'yang kamay mo," sabi Jacom kay Iyam. May hawak siyang panlagay na kulay sa kuko.

'Di na naman namamansin 'tong Jacom na 'to. Porke kumain na 'ko, 'di ako papansinin. 'Di pa nga niya 'ko pinapaliguan. Lagi na lang si Maxwem nagpapaligo sa 'kin, ah. Parang 'di siya amo, ah.

Humikab ako. Kaantok kina Iyam. Walang mabangong pamkain. Walang meryenda. Butiki lang meron saka gagamba. 'Di naman masarap meryenda 'yon.

"Marunong ka ba nito?" tanong Iyam.

Tumingin ako sa kanila. Hawak Jacom isang kamay ni Iyam. Bukas na 'yong maliit na lalagyan ng kulay sa kuko. Nilapitan ko.

"Koko, behave," saway Jacom.

'Behave agad, aamoy lang naman. Dilaan ko 'yan, eh, kahit 'di masarap.' Ayoko ng amoy no'ng panlagay sa kuko. Amoy-surot.

"Nagpaturo ako kay Auntie..." sabi Jacom.

Woof. Sinungaling. 'Di naman siya nagpaturo kay Auntiem. Bumili lang siyang gano'n no'ng nakaraan 'tapos nagpraktis siya. Nilagyan niya kuko niya. Tinawanan pa siya Warrem at Maxwem.

Nilagyan na ni Jacom kulay 'yong kuko ni Iyam. Masaya Iyam, eh. Naaamoy ko 'yong kilig. Kagatin ko 'to siya.

Parang ube 'yong nasa kuko ni Iyam. Sarap meryenda.

Nilapitan ko Iyam pero sinitsitan ako. "Bakit 'yon, Koko? Gusto mo lagyan ka namin sa kuko?"

'Arf, sige! Ako rin, Jacom!'

Mahinang tumawa Iyam dahil sa tahol ko. 'Tapos si Jacom, ngumiti. Woof, kinikilig.

Nilagay ko paws ko sa maliit na mesa. 'Arf! Lagyan mo rin akong ube, Jacom! Ipapainggit ko sa aso sa may tindahan.'

"Mamaya ka na," sabi Jacom at hinaplos ako sa ulo.

'Awit. Wala namang mamaya. 'Di ka na nga nakikipaglaro sa 'kin, 'di mo pa 'ko lalagyan ng ube sa kuko.'

Humiga na lang ako uli sa sahig. Kaantok. Mamaya ko pa maaaway 'yong aso sa may tindahan. 

Every Moment, Every Time (Story snippets)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora