30

446 9 1
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 30
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


“Ate, may naghahanap sayo!”


Napakamot ako sa ulo ng marinig ko ang katok na malakas at maingay ni Will. Pati boses ay malakas din. Hindi ko siya pinansin at tumalikod. Kinakapa ko ang unan kong laging niyayakap. Ngunit hindi ko makapa.


“Nasaan na iyon?” tanong ko at patuloy lang ako sa pagkapa hanggang sa may makapa akong matigas. Hindi ko na lang pinansin at iyon ang niyakap.


“Ate! Uy, gising na!” Muling kumatok si Will sa pinto.


Nagulat ako ng may yumakap din sa akin pabalik. Nakapikit akong kinapa ang yakap-yakap ko. Kumunot ang noo ko ng maramdaman ang medyo mainit pero makinis na bagay. Teka? Unan ko ba 'to? Bakit hindi malambot?


Dahil matigas siya na makinis pero napakunot ang noo ko ng may makapang parang magaspang. Wala sa sariling minulat ko ng dahan-dahan ang mata ko. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.


Kinamot ko na rin ang mata ko pero hindi pa rin na aalis sa patingin ko ang lalaking katabi ko at nakayakap sa akin ngayon. Natigilan ako ng mas sumuksok siya sa may leeg ko. Tumindig pa ang balahibo ko ng maramdaman ko ang labi niya sa may leeg ko.


“Ate, gising na! May bisita ka!” Muli akong napatingin sa pinto ng kwarto ko ng kumatok na naman si Will. “Ate, papasok na ako. Sige ka.”


Dahil sa sinabi ni Will ay agad kong tinulak si baliw na mahimbing pang natutulog habang nakayakap sa akin. Nahulog siya sa kama ko dahil hindi naman medyo malaki ang kama ng kwarto ko.


Hindi ko alam kung bakit kami nauwi sa ganito. Paano? Bakit siya nasa kwarto ko? Bakit nasa iisang kama kami? Bakit siya natutulog katabi ko?


“Huwag kang papasok kung ayaw kong batuhin kita sa face mo!” sigaw ko. “Gising na ako! Sandali lang kamo!”


Sino ba kasi ang bisita ko? Pagtingin ko sa orasan ay 8:30 am na pala. Bakit may dalaw ako ng ganitong umaga? Mukha ba akong may sakit?


Agad akong napahawak sa puson ng kumurot ito. Tumingin ako sa calendar ko, red days ko pala ngayon. Kaya dali-dali akong kumuha ng damit at napkin para maligo na. Buti na lang at wala lng tagos ang kama ko. Mahirap pa naman maglaba ng punda ng kama.


“Bakit ang sama ng tingin ng orbital mo sa akin?!” masungit kong tanong. Inirapan ko siya at hindi pinansin na. Mukhang nagising ko siya sa pagbagsak niya sa kama.


“Uy, nasa sala ang bisi—” Hindi na natapos ni Will ang sasabihin niya ng lahpasan ko siya para maligo na sa banyo.


Mas lalong sumakit ang puson ko sa bawat galaw ko. Parang gusto ko na lang ulit matulog ng matulog. Wala akong gustong gawin ngayon kundi ang humiga sa kama buong magdamag hanggang sa matapos ang red days ko.


Nang uminom ako ng gamot kagabi ay nawala siya pero bumalik yata ngayong umaga. Every 8 hours ang ang inom no'n pero lagpas na yata 8 hours kaya bumalik na naman ang sobrang sakit ng puson ko.


“Ate, kausapin mo n—”


“Saglit lang!” sigaw ko, naiinis. Kanina pa kasi siya ang kulit.


“Bwisit ka pa rin sa akin? Meron ka 'no?”


“Huwag mo 'kong bwisitin ng bwisitin?!” Kumukulo talaga dugo ko. Napabuntong hininga ako. Pilit na pinapakalma ang sarili ko. Kung nasa work ako kanina ko pa nasungitan ang mga katrabaho ko siguro. “Sino ba ang bisitang sinasabi mo?!”


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonOù les histoires vivent. Découvrez maintenant