Part 9

617 26 1
                                    

Kreigh's Pov

Halos 2 weeks na mula nang makabalik sa pagpasok , grabe buong week akong gumawa ng mga assignments at projects ng mga customer ko nakakapagod man ay okay na rin ilang libo rin ang naipon ko pati na rin ang naipon ko sa sweldo ko sa resort nina Devonne grabe ang laki nun tapos dinagdagan pa ng bonus .

"laki ng ngiti natin ah "

Biglang sulpot ni Aly sa tabi ko , sya talaga palaging kasama ko dahil classmates kami bukod pa don ay nasa iisang barkada lang kami .

"pahingi ako "

Saad ko at sinubuan naman nya ako ng carbonara , normal lang samin yan .

"baka patayin nako sa tilim ng tingin ng mga babae mo "

Natatawang bulong ko sakanya , sikat kaseng volleyball player to dito eh sikat din syang playgirl , mabuti nga nagkajowa pa to .

" kay Samuel lang ang mga mata ko noh pati na corason ko "

"Open ba kayo both sides?"

Sa pagkakaalam ko kaya ang tapang nyang mambabae since okay naman sa parents nya pero kay Sam di ko sure hahah

"Hindi eh , as long as I want to di parin pwede , Sam has a public figure lalo nang bawal dahil strict ang parents , alam mo na typical na mayayaman medyo controlling rin minsan but pinanghahawakan ang sinasabi nyang hintay hintay at tiis lang konti "

"Inlababo kana talaga besprennnn , Ikaw lang pala talaga yung nagpabaliko sakanya ha "

"Straight yan silang lahat magkakaibigan , pag nakita mo silang lahat ay aruy para kang pinapalibutan ng mga mababangong diyosa "

Pano kaya napabaliko ni Aly yun? Ni hindi nga talaga halatang may kabaklaan sa dugo ni Sam HAHHAH

" Aly ano name ni Sam sa ig nang ma follow ko "

"ay pare wala namang ganyanan jowa kona yung tao tapos trip mo pa ata "

Binatukan ko ito , ang Oa

" Wag kang assumera gusto kolang syang ifollow bakit ba , jowa mo naman yun eh"

"ay akala ko naman type mo heheheh , bat di mo itanong kay Devonne "

"sus yung isa pang yun ni wala nga kaming communication ayaw ko namang magtext sakanya wala naman akong sasabihin at isa pa ayaw din nyang ibigay social media accs nya "

"ay bakit daw? "

" kase baka daw makita ko ang kiffy nya "

" BWAAHHAAHHAHAHHA TANGINA KIFFY AMP "

Humagalpak ng tawa si Aly kaya pinagtitinginan kami rito sa cafeteria , See alam nya din kung ano yung kiffy .

" weird name ng pusa nya "

pailing iling kong saad

"mas weird naman yung kaibigan mong pusa , barky ba naman yung pangalan "

Inampon ko na si Barky , okay lang naman sa apartment basta lilinisan lang talaga ang kalat at doon naman sya may mumunting bahay sa labas eh kaya okay lang .

Kawawa naman pag palaging naghahanap ng pagkain sa basura .

Nag usap pa kami ni Aly at kalaunan ay binigay nya din ang acc ni Devonne

"Tangina 3million followers "

"see ganyan sila kasikat na magkakaibigan , high end models din kase "

"wait pati si Devonne ay model? "

yung alam ko lang si Samuel ay model at beauty queen , kaya medyo lowkey sila nitong si Aly dahil sa Public figure neto .

"Ay gagi tagal nyong magkasama di mo manlang tinanong yung tao "

A LESSON I NEVER MEANT TO LEARN ( GXG ) (intersex)Where stories live. Discover now