CHAPTER TWENTY

479 42 8
                                    

Groggy pa si Lalie nang dumating sa lobby ng PGH kung saan siya sinalubong ng kapitan nila at ng kaibigang si Perping. Maaliwalas ang mukha ng dalawa. Daig pa ang nanalo sa lotto.

"Lalie, salamat nang napakarami!" At OA pang nag-bow sa harapan niya si Perping. Ganoon din halos ang ginawa ng kapitan. Buong pag-iingat na hinawakan siya sa siko at dinala sa bakanteng upuan doon.

"Naku, iha! Hulog ka ng langit sa amin. Aba'y hindi ka lang mapagmahal na anak! Isa ka rin palang mabuting kapitbahay! Sinasabi ko nga eh. Hindi ka lang ubod ng ganda, mayroon ka pang busilak na puso. Hayaan mo. Wala ka nang alalahanin sa Inay mo. Kami na ang bahala ni Perping. Aalagaan namin siya katulad ng pag-aalaga sa isang ka-pamilya. Kung sa bagay, ano pa nga ba tayo sa ating barangay kundi iisang pamilya?" At humalakhak ito nang malutong.

Napakunot ng noo si Lalie.

"Kapitana, anong tinira n'yo? Nakakapangilabot ang pinagsasabi ninyo!" Binalingan din ni Lalie ang kaibigan. "Isa ka pa! Magsabi nga kayo nang totoo. Nagsa-shabu kayo, ano?"

"Hoy!" Asik sa kanya ni Perping. "May makarinig sa iyo aakalain nilang totoo ang pinagsasabi mo!"

"Hindi ako nagbibiro. Ano nga ang tinira ninyong dalawa at kung anu-ano ang pinagsasabi ninyo riyan? Daig n'yo pang durugista eh!"

Tumigil sa katatawa ang kapitan. "Aba, Lalie. Hindi biro ang binigay n'yo sa amin. Ikaw yata ang nakahitit ng kung ano eh. Nakalimutan mo na ba? Inabutan mo kami ng isang daang libong piso?!"

"Ha? Anong isang----"

"Friend naman, o. Magkukunwari ka pa, eh." Siniko siya ni Perping at binuksan nito ang maliit na shoulder bag at pinakita ang isang bungkos na pera na tig-iisang libo. "Singkwenta mil ang pinaabot mo sa akin." At ngumisi na ito. Siniko siya uli. "Iba na talaga ang mayaman. Madatung! Pinamimigay lang ang bungkos-bungkos na pera!"

Napanganga si Lalie sa napag-alaman.

"Ako ang nagbigay?" ulit niya. Nalilito.

Ang kapitan at si Perping naman ngayon ang pinangunutan ng noo. "Lalie, ha? Huwag mong sabihing na-amnesia ka kanina at babawiin mo na ito sa amin? Naku, hindi ko ibibigay!" At inilayo na nga ni Perping ang shoulder bag niya sa kanya. Hinawakan pa niya ito nang mahigpit.

"Ngayon pa lang ako napunta rito, Kapitana, Perpetua. Magbabayad pa nga lang ako ng bayarin ni Inay, eh. Iyan nga ang nilapit ko sa inyo rito. Magpapatulong ako sa inyo na mabayaran ang mga gastos ng Inay dito nang hindi nila nalalaman na sa akin galing ang pera!"

"Ano ka ba! Nagpadala ka kanina rito ng tao n'yo at siya na ang nag-asikaso ng lahat. Nailipat na sa pribadong silid ang inay mo at nagawan na rin namin ng paraan na kunwari ay galing sa PCSO ang pinangbayad doon."

Lalong nalito si Lalie. Wala siyang kinalaman sa pinagsasabi ng mga ito. Paano siya mag-uutos kung wala naman siyang mauutusan? Saka malaking halaga ang kailangan ng inay niya at hindi pupwedeng ipagkatiwala iyon sa ibang tao. Kung sakaling gagawin niya iyon si Mang Simon lang ang naiisip niyang maaari niyang pakiusapan dahil kahit papaano ay may simpatiya sa kanya ang driver na iyon. Gayunman, kahit na maaasahan niya ito sa maraming bagay, ayaw niyang testingin kung hanggang saan ang integridad nito. Natatakot din siya sa maaaring mangyari. Saka, pahirapan na nga itong pagpuslit niya ng dalawang daang libo para sa inay niya tapos magbibigay pa siya ng isang daang libong piso sa dalawang ito?

Tila nahimasmasan ang kapitan. Sinipat pa nito ang mukha ni Lalie at kapagkuwan ay nakapagsabi ng, "Hala! Kung hindi ikaw ang nagpadala no'ng mamang iyon, sino?"

**********

"What? Hospital? Why would I go there? Is there sombody I need to visit there?" sunud-sunod na tanong ni Mauro kay Lalie nang magtanong ito kung may binisita sa PGH nitong huli.

KAHIT MINSAN LAMANGUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum